Ano ang Dahilan ng Iregular na Regla?

9:52:00 PM


Ano ang Dahilan ng Iregular na Regla?
Payo mula sa Kalusugan ng Kababaihan

Marami sa mga kababaihan ang nakakaranas ng iregularidad o abnormal na interval ng kanilang regla. Ang isang normal na babae ay nagkakaroon ng regla kada 24 - 38 na araw. Pwedeng nakakaranas ka ng iregular na regla kung biglang nagbago yung interval ng iyong regla (pwedeng mas mabilis ka na reglahin o mas madalang ka reglahin), pwedeng bigla dumami o kumonti ang dugo mula sa pagreregla, o kaya naman ay pwedeng tumatagal ang period na mayroon kang regla.

May iba't ibang klaseng sakit na pwedeng magdulot ng iregularidad sa pagreregla.

Ilan dito ay ang paggamit ng intrauterine device, pagpapalit ng iyong birth control pills o oral contraceptives, sobrang pag-eehersisyo, pagkakaroon ng sakit ng polycystic ovary syndrome o PCOS, ikaw ay buntis o nagpapasuso, labis ang iyong stress na nararanasan, mayroong goiter o hyperthyroid o hypothyroid, kumakapal ang lining ng matres o mayroong polyps o di kaya ay mayroon kang uterine fibroids.

Kapag nakakaranas ng iregular na pagreregla, maaaring kumonsulta sa inyong doktor. Pwedeng pumunta sa OBGyn doctor dahil sila ang espesyalista sa mga sakit sa pagreregla.

You Might Also Like

2 comments

  1. Doc? Magtatanong po sana ako. Nagkalagnat po kasi ako noon.. Tapos itinigil ko ang pag inom ng pills kac may nabasa po akong article na hindi pwede pagsabayin ang pills at med.. pero itinigil ko po sya august 27 which is nagkaregla na po ako. matapos po ang regla ko doc, hindi na ako uminom ng pills, may chance po ba doc na mabubuntis ako? salamat ng marami po doc. sana po masagot nyo po tanong ko kac nababahala na po ako..

    ReplyDelete
  2. Doc.sana matulongan niyo po ako Kung ano dapat Kung gawin. Ako di ma.lourdes mas kilala ako sa pangalan na Maymay,23 yrs old, naka tira ako ngayun sa tondo kasama ko po Yung ka live in partner ko.5years na kami ngayun na magkasama sa isang bubong po.isa ako sa may problems sa pag reregla o tawaging erigular meanstration po.Nag dalaga po ako sa edad na 11 yrs old, din Hindi nag takal siguro mga 15 o 16 yrs old po ako nun ,nag simula na po Yung pag luluko ng regla ko Hindi po ako nadatnan ng 5 months most bago madatnan Minsan naman 2 months.hanggat nagka edad ako ng 19 yrs old at nagkaroon po akong ka live in ko ngayun. At nang nagsama at ganun padin po Yung regla ko nag luluko. akala ko nga Minsan buntis nako,pero Hindi pala.nang nagtagal po kami after now po mas lumalala po Yung setwation Kasi po naranasan Kuna pong 9 months bagu magkaroon ng regla e Hindi naman po ako buntis,at Isa pa po Yung problema ko po doc.sa ngayun po pag nag talik kami ng asawa ko pag katapos po may lumalabas po ng dugo po. Hindi Kuna po Alam gagawin ko doc. Sa hirap po naman ng buhay at sa pandemic pa ng bandang pilipinas po Kay Hiram mag hanap ng pera para pang check up ng OB.nagbabasakali po Sana ako na matulongan niyo po ako kahit sa pag papayo po ninyo doc.kung ano po nangyayari sakin.
    Salamat sa sagot po @godbless you po

    ReplyDelete

Twitter Feed