Mga Pagkain na Nakakapagpataas ng Uric Acid (Bawas sa pagkain para sa May Gout)
11:19:00 AMMga Pagkain na Nakakapagpataas ng Uric Acid (Bawas sa pagkain para sa May Gout)
by Doktor Doktor Lads
Malapit na ang pasko. Marami na naman handaan at kainan. Marami na naman ang nanganganib na sumpungin ng gout.
Ang hyperuricemia o mataas na lebel na uric acid sa dugo ay nauugnay sa sakit na gout, mga sakit sa puso at diabetes. Nakukuha ang uric acid kapag naproseso ng katawan natin ang purines mula sa ating mga kinakain. Kapag ang mga kinakain natin ay napakataas ng purine content, sigurado na tataas din ang uric acid sa ating katawan. Narito ang listahan ng mga pagkain ng mataas sa purines at dapat iwasan o bawasan ang pagkain para makaiwas sa pag-atake ng gout. Hindi naman ibig sabihin, hindi ka na kakain ng mga pagkain na nabanggit. Basta limitahan o bawasan lang. Dahil kapag sobrang dami nang kinain, tataas din sigurado agn uric acid at susumpong na naman ang iyong gout.
Sobrang taas ng purines/uric acid. Dapat iwasan ng mga may gout.
1. Dilis, tilapya, lapu-lapu, sardinas, tamban, tambakol
2. Karne ng baboy, baka, tupa at gansa
3. Utak ng baboy, baka at iba pang hayop
4. Laman loob (atay, puso) ng baboy at manok
5. Scallops, tahong, talangka, aliimango, talaba itlog ng isda
6. Alak
Di gaanong mataas ang purines/uric acid. Pwede kainin pero bawasan lang nang kaunti kapag may gout.
1. Palos, hipon, sugpo at ulang
2. Manok
3. Salmon
4. Beans, peas, taho, munggo, asparagus, cauliflower, spinach
5. Kabute, tokwa
6. Cereals.
Narito naman ang mga pagkain na mababa ang purines/uric acid. Ito ang pwedeng-pwedeng kainin ng mga may gout.
1. Gatas
2. Mani, peanut butter, cheese
3. Pasta
4. Biscuit at cake
5. Chocolate
5. Mansanas, orange, ubas, pinya, peras, peach, abokado
6. Karot, pipino, repolyo, letsugas, kamatis, labanos, patatas
7. Itlog
8. Yogurt
Ngayong darating na pasko, maging maingat sa inyong diet para hindi atakihin ng sakit mula sa gout. Kung kayang iwasang kainin ang mga ito, maganda. Pero kung hindi kaya, pwedeng kumain ng kaunti at paminsan-minsan. Kontrolin lang ang sarili na hindi maparami ng kain. Blessings!
5 comments
Hello po dok, ako po ay nakakaranas ng uric acid 13 yrs na po at ngpacheck up narin po ako kaso lalo lang lumalala pagumiinom ng mga gamot ano po kaya magandang gawin dok pagsumompong po kase ung sakit ko ung likod at balakang ko na kumikirot lalo na paggumalaw e umiinom po ako ng mga herbal nawawala naman po kaso hanggang ngaun paulit ulit nalng kahit umiiwas n po ako sa mga bawal na pagkain. Salamat po
ReplyDeleteStc30 po sir
DeleteNormal po ba na mag manas pag mataas ang uric acid doc? 7.7 po kasi ang uric acid ko... Salamat po sa inyong sagot and God bless po
ReplyDeletedoc pwede po fried na pagkain pag may gout
ReplyDeleteDoc normal po b nagpapantal ang katawan pag mataas ang uric acid slmat po s sagot
ReplyDelete