Sakit ng Tiyan, Maaaring Acute Pancreatitis Yan

6:30:00 AM


Ang acute pancreatitis ay pamamaga ng pancreas o lapay na nagdudulot ng labis na pananakit sa tiyan at kung minsan ay nakakamatay. Isa sa kada 10 tao na nagkakaroon ng acute pancreatitis ay namamatay. Mahirap madiagnose ang mga sakit sa pancreas dahil hindi sapat kadalasan ang mga imaging studies.

Ang pinakamadalas na sanhi ng pancreatitis ay pagkakaroon ng bato sa apdo. Ang mga maliliit na bato sa apdo ay maaaring bumara sa pancreatic duct na nagdudulot ng pagkasira ng normal na pagdaloy ng pancreatic fluid. Maaari ding magdulot ng pancreatitis ang pag-inom ng gamot, mataas na lebel ng triglycerides sa dugo, mataas na calcium at labis na pag-inom ng alak.

Nagsisimula ang pancreatitis sa pagkakaroon ng sakit ng tiyan sa bandang itaas at umaabot ang sakit sa likod. Mas sumasakit ito pagkatapos kumain. Hindi nawawala ang sakit na dulot nito. Makakaranas din ng pagkahilo, pagsusuka, lagnat at mabilis na tibok ng puso.

Kapag nakaranas ng mga sintomas na ito, kumonsulta agad sa hospital para maagapan at maisalba ang buhay.

You Might Also Like

3 comments

  1. Galing npo kmi sa ospital.actually kalalabas lang po nmin nung friday.may acute pancreatitis po ang asawa q.tas i2 lang po bigla po syang nilagnat

    ReplyDelete
  2. Doc hinala ko may sakit dina ako sa lapay kasi po sumasakit po ang tiyan ko sa bandang itaas sabay ang likod ilang linggo na po ako ganito pero wala po ako sapat na pera para mapacheck up may maipapayo po kau na pwde kung inumin na gamot salamat po

    ReplyDelete
  3. Ang ina q po ay bato sa lapay.d pa nmin siya mapa opera at Wala pang pera.ano po kayng gamot ang maaring inumin habng asa bhay

    ReplyDelete

Twitter Feed