May Ubo at Plema? Alamin, Baka Bronchitis Yan!

4:01:00 AM


Ang bronchitis ay pamamagang lining ng iyong bronchial tubes na siyang daanan ng hangin papunta sa iyong baga. Ang mga taong may bronchitis ay nakakaranas ng malagkit na plema o mucus. Kadalasan din na may kasamang ubo at sipon o iba pang respiratory infection ang bronchitis. Nawawala din ang bronchitis matapos ang ilang araw.

Ang mga sintomas ng bronchitis ay ang mga sumusunod:
  1. Ubo 
  2. Pagkakaroon ng makapal o malagkit na plema na maaaring kulay puti, dilaw o luntian. 
  3. Pagod 
  4. Hirap huminga 
  5. Nilalagnat at nilalamig 
  6. Pananakit ng dibdib
Kung mayroon kang acute bronchitis, maaaring tumagal ng ilang linggo ang iyong ubo. Maituturing na chronic bronchitis kung ang ubo ay tumagal na ng higit sa tatlong buwan. Siguruhin na magpatingin na sa doktor kapag tumagal ang iyong ubo ng higit sa tatlong linggo, nagdudulot na ito ng hirap sa pagtulog, may kasamang lagnat, may kasamang dugo ang plema at may wheezing at hirap sa paghinga.

Para maiwasan ang bronchitis iwasan ang paninigarilyo, magpabakuna ng flu vaccines upang maiwasan ang influenza at laging maghugas ng kamay o gumamit ng hand sanitizers.

Source: Mayo Clinic

You Might Also Like

13 comments

  1. http://takingwork.com/?work=34040

    ReplyDelete
  2. Doc.yong anak ko po apat na taon 7 buwan na po Hindi nawawala Ang ubo at araw araw nagsusuka po sya ng maraming puti na plema malagkit at makapal po sya.. marami na po syang gamot na naimom mga antibiotics Kung saan saan na po namin sya Napa check up Hindi po talaga nawawala Ang ubo at plema nya.. patulong Naman po doc. Salamat

    ReplyDelete
  3. Yung baby ko rin na 1yr & 3months old mag-3months na syang may ubo.. Yung sipon naman nya pabalik balik.. Naka-ilang antibiotics na sya.. Pinag-herbal na namen sya hindi pa rin nawawala.. Yung last check up nya ang sabi clear naman daw yung lungs nya.. Nagkaruon sya ng tonsillitis kaya niresetahan sya ng antibiotic at gamot sa sipon.. Dahil na rin nilagnat sya ng pabalik balik.. Hindi ko na alam yung gagawin ko.. Ginawa ko na lahat.. Nangangayayat na yung anak ko dahil sa ubo..

    ReplyDelete
  4. Doc ako rin ho 19 years old halos 7 buwan na akong inuubo at ngayon week po ay yong plema ko ay dilaw na may kunti kunti lang na red.
    Balik Balik po ang lagnat ko at masakit po ang gilid at likod ko hirap po akong matulog. Ano pong tawag dito malulunasan pa ba ito Doc gustong ko po na maging physically fit and healthy na ako ulit.

    ReplyDelete
  5. Doc ako rin po di mawala ma wala ubo ko pakiramdam ko po may tuyong plema ako na di lumalabas..
    Dalwang beses na po ako nkapag pa check up sa doctor pero di parin mawala wala ubo ko

    ReplyDelete
  6. Doc may ubo po ako mag 3 weeeks na po...may araw po naman na nawawala tas babalik din po..ano po ba pwede kong gawin...di naman po ako nilalagnat

    ReplyDelete
    Replies
    1. Ganyan din po ang ubo q.'ndi po lage inuubo ndi rin nilalagnat.,tapoz mga 1hr, lng po ung pag ubo ko..pakiramdam q po tuyo ang plema ko..

      Delete
  7. Sipon po sa llamunan npkatagl npo... D nman po ako sinisipon sa ilong. Natural lng po b yon o msama po.. Anu po dapt ko gawi doc..salmat mo

    ReplyDelete
  8. Sana po mreplyan nyo ko tnx po

    ReplyDelete
  9. Dok ilang araw na po ako inuubo hirp po akong matulog sa Gabi kc po my plema sa lalamunan ko bumabara hindi ma labas lbas plema pag inuubo ako nakakaihi na po ako ano po dapat gawin Pati diddid ko sumsakit at lalamuna

    ReplyDelete
  10. Dok..2months na po ubo ko..pero di naman ako nakaranas ng lagnat..napupuyat ako at laging napapaihi pag umuubo..

    ReplyDelete
  11. dok ang ubo kopo may oras ang sumpong kung di sa umaga sa gabi po , pag sumumpong sya labas talga ang mga plema puti po plema ano po kya ang dapat kp igamot para mawala nato ubo ko ,

    ReplyDelete
  12. May plema po ako na malapot minsan nman mabula lang..kukay puti . Di nman grabe ubo ko ..kaso naiirita ako sa lalamunan at dibdib ko dahil parang puno ng plema di makahinga ng maayos

    ReplyDelete

Twitter Feed