Dok, safe po ba ang xray kapag buntis?

7:29:00 AM


Oo, ligtas ang pagsailalim sa xray kahit buntis ang isang babae. Maliit ang posibilidad na ang diagnositc xray ay magdulot ng masamang epekto sa paglaki ng sanggol sa sinapupunan. Karamihan ng mga xray exams sa kamay, paa, ulo at dibdib ay hindi magdudulot ng matinding exposure sa reproductive organs ng isang babae. Maaari din magsuot ng leaded apron at collar upang maprotektahan ang sarili mula sa radiation.

Ang xray exam lamang na dapat iwasan ay ang abdominal xray dahil maeexpose ang tiyan at ang bahay bata kung saan nandoon ang sanggol. Ang high doses ay maaaring magdulot ng problema sa mga growing cells ng sanggol na maaaring magdulot ng cancer tulad ng leukemia. Ngunit ang diagnostic abdominal xray ay maliit lamang ang dose at hindi naman magdudulot ng problema sa sanggol.

Bago sumailalimsa xray, sabihin muna sa iyong doktor na ikaw ay buntis. Maaaring gumamit na lamang ng imaging technique na hindi kailangan ng xray upang maiwasan ang anumang problema.

You Might Also Like

6 comments

  1. Dok tanung kulang po hnd ko po alam n buntis po ako ng 1week ngmedicL po kmi s work ng xray po ako chest xray nkkasama po b iyon s bata

    ReplyDelete
    Replies
    1. Ganyan din po ang nangyare sken. Diko po alam kung safe yung baby ko🙈

      Delete
    2. Ganyn din po ako diko alam n buntis ako kasama po ako ng mother ko nung na xray siya.

      Delete
    3. May masama po bang nangyari sa bta

      Delete
  2. Ganyan di asawa ko anunpo mangyayri sa baby?

    ReplyDelete

Twitter Feed