Paano Gagamutin ang Mga Kati Mula sa Higad Attack
5:43:00 AM
Paano Gagamutin ang Mga Kati Mula sa Higad Attack
Ang caterpillar o higad ay larvae o immature form ng mga paruparo at moths. May iba't ibang klase ng mga higad. Para silang mga uod na nababalot ng napakaraming maliliit na buhok. May mga harmless na higad ngunit mayroon namang nagdudulot ng allergic reactions o pangangati sa mata, balat at baga kapag nadikit ang isang tao sa buhok ng higa. Madalas makikita ang mga higad sa mga puno at kadalasang nabibiktima ang mga batang naglalaro sa ilalim ng puno o umaakyat sa mga puno.
Ano ang Sintomas Kapag Nadikitan ng Higad?
Kapag nadikit sa higad ang mga mata, agad na makakaranas ng sakit, pamumula at pagluluha. Kapag naman nakakain ng higad, maaaring makaranas ng paglalaway, pangangati ng bibig at lalamuna at pagsusuka. Kapag naman ang daanan ng hangin ang napasukan ng higad o ng buhok nito, maaaring makaranas ng pag-ubo, pamamaga ng ilong, hirap sa paghinga at pagbahing. Kapag naman sa balat ang nadikit sa higad, maaaring makaranas ng pangangati, rashes, pamumula at pagkakaroon ng blisters sa balat.
Ano ang Dapat Gawin Kapag Nadikitan ng Higad?
Kapag nadikit sa higad, ang dapat gawin ay matanggal ang mga buhok ng higad sa iyong balat dahil ito ang nagdudulot ng allergic reactions. Maaaring magdikit ng tape sa balat na nadikitan ng higad at tanggal-tanggalin ang tape. Sa pamamagitan nito ay maaalis ang mga natirang buhok ng higad sa iyong balat. Maaaring maglagay ng calamine lotion sa iyong balat at pagkatapos ay lagyan ng yelo. Ibalot ang yelo gamit ang tela at ipatong sa apektadong bahagi ng katawan sa loob ng sampung minuto. Ulitin ang prosesong ito. May mga nagsasabi din na maaaring kumuha ng asin at ipahid ito sa balat na apektado ng higad sa loob ng limang minuto. Makakatulong din ito upang mawala ang mga natirang buhok ng higad. Pagkatapos ay pahiran ito ng virgin coconut oil.
Kung ang iyong mata ang nadikitan ng higad, hugasan ito ng maraming malinis na tubig at humingi ang tulong na medikal. Gayundin kung nahihirapang huminga dahil sa paglanghap ng buhok ng higad, dalhin agad sa hospital upang mabigyan ng lunas.
74 comments
Masama po bang may natirang buhok ng higad? Nakaapak po kasi ako. Mag 3 days na po siya. Hindi na po kayang alisin ng tweezers pero hindi na po siya namumula.
ReplyDeleteMas maganda po na matanggal lahat ng buhok para mawala ang kati mula sa higad. Mawawala din naman po iyan ng kusa sakaling hindi na talaga maalis ng tweezers
DeletePano po maalis ung mga natirang buhok ng higad, kasi po dinapo sya kaya ng tape e maliliit po ung naiwan sa kamay ko. Pano poba maalis un? Maliliit na buhok na naiwan sa kamay ko.
DeleteHi po Good morning Po . Yung Bby ko po kase Ay Natilas Sa Mucka . Ang kanya pong mata ay namamaga Ano po ang Dapat kong Gawin . Salamat po
DeleteAng anak ko nahigad sya Una sa binti lang tapos kinabukasan meron na sa mga braso at sa legs at likod at dibdib.. Sadya po bang kumakalat yung rashes and pamumula pag nahigad ?
DeleteDok normal po ba na mainit ang oakiramdam pati ang mata ko ay mainit. sa batok po ako nadikitan ng higad
DeleteDahon ng atis po mabisang gamot sa kati na dulot ng higad
DeleteGood evening po dok nakahawak po kasi ako ng higad kahapon natanggal naman po yung mga balahibo ng higad sa kamay ko ang kaso po mula kagabi hanggang ngayon makati na ang kamay at paa ko po nadamay na rin po. Ano po ba ang kailangan kong hakbang para magamot ko po ito?
Deletedoc ung anak ko po naka tapak ng higad. hinugasan ko po agad na may sabon. pero po ung mga balahibo nya na baon sa paa. pano po un matatanggal??? plz sagutin nyo po
DeleteGaano po katagal matanggal yung kati kati sa may palad kapag nalagyan nang kati kati
ReplyDeleteGaano po katagal matanggal yung kati kati sa may palad kapag nalagyan nang kati kati
ReplyDeletePano po kapag hindi aware na kailangan pala matanggal yung hairs nun, kasi hindi ko din po alam e. One day ago na po ngayon kumakalat na yung pantal sa katawan ko huhu pano po yun?
ReplyDeleteAno po ang dapat gawin kasi po may mga dot dot mga tuldok kung saan tumusok yung mga balahibo natanggal ko naman na po yung iba kaso pakiramdam ko po meron pa pong natirira eh ilang araw na po ito nakakalipas mga 5 days napo nakakalipas
ReplyDeleteNasubukan niyo na po ang paggamit ng tape para tanggalin ang mga hairs? Nasa taas po ang mga pwedeng gawin.
Deletegaano katagal bago tuluyang mwala ang pantal mula sa higad? nung una nagpantal ako at namula ito. habang tumatagal nawawala n yung butlig pero paitim ng paitim yung pantal. hindi ko naman kinakamot at nilalagyan ko lang ng caladryl. magpipeklat kaya ito? huhu
ReplyDeleteSame sakin ngaun.. Dobrang kati tapos ang dami ko na peklat. Anu po kaya magndang gamot lalo sa nga peklat na
Deletenormal po ba na mangati at mamaga ang mga pantal sa affected areas? i washed my leg and hand with soap and water then treated it with vinegar and calamine lotion yesterday morning and it relieved the pain and it looked better by the afternoon. but last night, bigla na naman nangati so i treated it with soap and water and calamine lotion again. But the itchiness disnt go away until this morning, super pantal at namamaga na affected areas - leg and hand. what to do? is this normal?
ReplyDeleteAko nga din Ganyan namamantal PA din Natatakot na nga ako eh
DeleteBawal po bang ipaligo ito?
ReplyDeleteBakit po sabi nung iba, pwede ang suka?
ReplyDeleteoo pwde ang suka nakkatanggal ng kati dapt k magbilAd sa araw at maligo
DeleteTatlong araw na pong nangangati likod ko dahil sa higad. Pinahiran ko na ng apple cider nung unang araw nakaligo nko ilang beses makati pa rin at may mga pantal pantal pa rn dok.
ReplyDeletePanu po kung buong katawan ang nalagyan ng buhok ng higad?
ReplyDeleteNapamahal ka ka
DeleteGdDay po, paano po pag nasubo ni baby un higad? nkakalason po ba un? sobrang worried po me kasi panay kamot ni baby sa mukha tas iyak ng iyak? ano po ba dapat gawin?
ReplyDelete.
DeleteNahigad ako kahapon tapos dumami ang pantal sa katawan ko, pati ulo ko nangangati na di na din ako makahinga nagpadala na ako sa hospital grabe pala to dati naman nung 1st kong mahigad hindi ganito . Hahaha
ReplyDeleteyung sa anak ko 1 week na until now pabalik balik pa rin yung pantal nya,ano kaya best na gamot para gumaling na? sinubukan na namin suka,asin tape saka anti histamine mawawala sya tas bumabalik ulit ������
ReplyDeleteNsubukan kong gumamit ng kojic soap kasabay ang baking soda sa apektadong bahagi ng balat na ndikitan ng higad. Hayaan sa balat ng mga 10 minutes at pagkatapos banlawan ng mabuti. Pagkatapos banlawan ay patuyuing mabuti at lagyan ng San Sierra herbal oil at Sudocreme. Ilang minuto lang ay mapapawi ang kati at maga ng apektadong bahagi ng balat.
DeleteNadikitan yata ako ng higad sobrang daming pantal kumpol kumpol sobrang kati!balikat hita tiyan leeg likod batok sobrang kati ! Effective po ba yan?kasi sobrang kati talaga
ReplyDeleteNapapatay po ba ng baygon ang higad?
DeletePweyd bang ipahid ang yelo at sukasuka.pls reply me
ReplyDeleteMadalas akong madikitan ng higad noong bata pako at ang mabisa kong ginagamot sa sarili ko ay ung suka dapat tanggalin mo muna ung mga balahibo nia make sure na walang maiwan kasi kumakalat unh saka mo buhusan ng suka
ReplyDeleteAno po b ang dpat gwin kc po ung papa q sav Nya nhigad dw xa pero nmamaga po ung muka nya
ReplyDeletedok 3 araw na po kasi itong aking pangangati na dulot ng higad paano po ba ito maaalis ?
ReplyDeleteWag mo nalang katihin.. Hayaan mo nalang.. Dumadami kasi yan kapag nginangati mo yan..
DeleteDok may mga bumaon na balahibo ng higad sa palad at darili ko ngayon namamaga na siya may mga gamot po ba na pwde akong ipahid or inumin para mawala ung pamamaga at pangangati..thanks and advance
ReplyDeleteAnong ginawa mo sa namamaga
DeleteDok pano po ito bumaon na ung balahibo sa daliri ng anak ko namamaga at nangangati na po xa two days na po ngaun. Ano po dapat gawin ko?
ReplyDeletePwedeo bang maligo ang taong nahigad?
ReplyDeleteBuong katawan ko po makati pero wlang tumubong pantal sobrang kati po talaga nsmamsga na ung balat ko kakakamot 3days na po anu po ba gamot
ReplyDeletegood day, tested and proven po, pag nahigad ka po at kumalat na sa buong katawan, ipaligo mo po ung suka babad mo 10-15mins then banlawan mo na po, tapos mg sabon ka na
Deletegood day, tested and proven po, pag nahigad ka po at kumalat na sa buong katawan, ipaligo mo po ung suka babad mo 10-15mins then banlawan mo na po, tapos mg sabon ka na
ReplyDeleteShare ko lang po ang experience ko dahil alam kong makakatulong ito sa mga nagtatanong, dahil po ang bahay namin ay napapalibutan ng malalaking acasia madalas po akong nahihigad lalo kapag panahon nila.. Marami napo akong nasubukang gawin suka daw o asin pero di po umubra sakin, ang ginagawa kopo ay naliligo po ako kaagad upang matanggal ang balahibo ng higad at pagkatapos maligo ay pinapahiran ko po ng langis, natatanggal po ang kati pag pinahiran ng langis nakakatulong po tlga ang langis upang di na mangati.
ReplyDeleteYes it is..ang daming pantal sa mukha ng toddler q,nung pinahiran q ng langis..umimpis sya..Sana mwala na tong pantal nya.,pati Braso at binti ngkapan tal eii,langis lang nilagay q..
DeletePwede po kaya ang baby oil..
DeleteYung mga spine ng higad is nakabaon sa ilalim ng himlalaki ko sa paa. Tinry ko na siya alisin pero medyo malalim na po. Matatanggal ba ito ng kusa? Nag allergic reaction na kasi ang katawan ko at kumalat na ang kati at pantal. Salamat.
ReplyDeleteHello po ako po ay nakakaranas ngayon ng nahigad...namamaga po mukha ko at Makati lahat ng katawan ko pati po ung buhok ko����at sobrang kati Niya
ReplyDeleteKahapon lang nahigad ako sa kamay. Nagka allergic reaction ako at nangati buong katawan ko. Nagkapantal namaga yung mukha ko. Uminom ako ng histamine na gamot. Kumain ng asukal. Natanggal sya in an hour. Pero yung kamay ko namamaga pa din ikalawang ara na.
ReplyDeleteNa Higad po ako Kanina sa leeg
ReplyDeleteAkala ko langgam ayun pisak
Sobrang Maga na ng leeg ko at batok kumalat ndin sa katawan sobrang Kati
Nasabon ko naman suka yelo asin Makati pdin di ako maka tulog wala akong tape na mahanap
Any remedies alone here
Paano po pag nadikitan ng higad ang mga damit? Ano po ang dapat gawin?
ReplyDeleteDoc nahigad ako super Kati halos buong ktawan kona meron ni lagyan kna poh NG purong suka . Anu pa poh ba mabisang gamot d2.. . Slamat po
ReplyDeleteNakakahawa po ba ito
ReplyDeletepano po maaalis namamaga na po mata ko at namumula
ReplyDeleteAng kati ng higad po' b magkakalat Pg s balat ng bata dumapo?!...
ReplyDeleteako rin nahigad sa damit ko yata nagapangnan kasama na anak ko meron din sya kawawa man nangangati na rin ang tagal matanggal 3 days na ito una sa kalagitnaan ng tuhod at hita ko.at sa likod.kapag kinamot ko namamantal sya ganun rin anak ko.
ReplyDeletePano po ba mawawala ang mga pantal at kati sinubukan ko na pong sukain tape at yelo pero bumabalik paden po
ReplyDeleteNahigad ako kahapon naupuan ko tas naramdaman ko nalang bigla akong nangati sa hita nilagyan ko ng suka guminhawa naman saka naligo ako. Nawala na rin yung pantal pero bumabalik yung kati paano gagawin ko dok?
ReplyDeleteNahigad po anak q 3yr old kwwa nmn kating kti sy hndi mka tulog pls help wla kc aq pera pang pa dr.🙏
ReplyDeletePano po pag nalipasan na at paga pa rin po ang aking mata. At ang batok at dibdib sobrang kati at hapdi po kahit nalagyan ko n ng suka kahapon
ReplyDeletePanu po kapag di sinasadya nasama sa dahon ng sambong higad tapos nailaga tapos nainum? May effect po b yun sa loob ng katawan?
ReplyDeletePanu po mawawala ung mga pantal sa mukha na nahigad? Halos mghapon na pong makati at puro pantal
ReplyDeleteMga ilang oras po un bago mawala...
ReplyDeleteGood day po gusto ko Lang po itanong,,nadikitan po kase ako sa pisngi Ng higad,namaga po Ito at may lumalabas na malagkit na tubig 3days na po pero di pa den gumagaling natutuklap na Yung balat sa pisngi ko at medyo Makati pa den po! Ano po ba pwede kong gawin para dit0?
ReplyDeleteHi po tanung ko lang anu po ba tlGa gamit pang higad.Na higad ata anak ko...dami pantal nya...
ReplyDeleteGgod day po nalagyan po ng higad ang mukha tas nagswell po yung bibig at pisngi ko ano po bang dapat kong gawin
ReplyDeleteAno pong mabisang gamot sa higad 6 months old lng kc baby ko
ReplyDeleteAng anak ko po natilasan ano po ang dapat kung igamot o ipahid sa kanya buong katawan na po nya ang pantal pati ang mukha nadamay na
ReplyDeleteDoc yung anak ko po di ko alam kung nahigad sya o ano. Kasi po yung mga pantal nya makati saka medyo may mainit. Normal pa ba yon???
ReplyDeleteYung anak ko nahigad 2 days na hindi parin nawawala mas dumadami pa buong katawan nya na..ano kaya dapat gawin at anong gamot para mawala yung kati d kasi cya makatulog sa gabi at umiiyak nlang sa kati.
ReplyDeleteKahapon po na tilasan po ako sa liig at boung braso subrang kati kya nag spray po ako ng alkohol. Kaya ngayun nag pantal pantal po at may maliliit na butoy na may tubig subrang kati po talaga. Ano pi dapat kng gawin?
ReplyDeleteSame po nung case sakin tapos pag napipisa po yung may tubig mas rumarami po ..pinapahiran kopo ng oil ng niyog o lotion po nakakatulong po na medyo mawala yung kati
DeleteTalaga po bang ina abot ito ng isa o dalawang araw ? Kasi hanggang ngayon po an laki na po sakin nung pantal nya tapos may mga maliliit ng bilog parang bunga ng araw at ang kati kati po
ReplyDeletePag po sa damit kumalat ang buhok ng higad at kumalat sa boung katawan. Ano po kayang gagawin?
ReplyDelete