Paano Mo Malalaman Kung May Colon Cancer Ka?

12:03:00 AM


Ano ang colorectal cancer?

Ang colorectal cancer ay sakit kung saan ang mga abnormal na cells sa colon o rectum ay napakabilis nang pagdami na nagiging isang malignant na tumor. Ang colon at rectum ay bahagi ng digestive system ng tao kung saan naiimbak ang mga hindi natunaw na pagkain bago ito ilabas bilang dumi. Nagkakaroon din dito ng pag-absorb ng mga nutrients at tubig mula sa kinain.

Ilan sa mga sikat na Filipino ang namatay din dahil sa sakit na colon cancer. Sila dating Pres. Corazon Aquino, Chat Silayan, Rio Diaz, Helen Vela at Charlie Davao ay namatay sa sakit na colon cancer.

Karamihan sa mga colorectal cancer ay nagsisimula bilang isang polyp, o mga malilit na umbok sa colon at rectum. Karaniwang nagkakaroon ng mga polyps ang mga may edad na 50 at higit pa ngunit karamihan dito ay hindi cancer o tumor. Ang klase ng polyp na tinatawag na adenoma ay may malaking posibilidad na maging cancer.

Ang colorectal cancer ay ikatlo sa pinakamadalas na cancer na matatagpuan sa mga lalake at babae. Ito ang ikalawang pinakamadalas na sanhi ng pagkamatay dahil sa cancer. 

Ang mga pangunahing risk factor ng colorectal cancer ay ang pagkakaroon ng sakit sa pamilya at katandaan. Ang iba pang risk factors ay ang labis-labis na pag-inom ng alak, katabaan o obesity, kawalan ng ehersisyo, paninigarilyo at hindi tamang pagkain.

Risk Factor for Colorectal Cancer

Ang mga taong may inflammatory bowel disease katulad ng ulcerative colitis o Crohn disease ay may mataas na posibilidad ng pagkakaroon ng colorectal cancer. Ang may kamag-anak din na nagkaroon na ng colon cancer ay may mataas din na posibilidad na magkaroon nito. 

Ano ang mga paraan upang malaman kung may colorectal cancer ka?

High-sensitivity fecal occult blood tests (FOBT) 
Ang mga polyps at colorectal cancers ay maaaring dumugo. Ang FOBT ay sinusuri ang pagkakaroon ng dugo sa dumi (stool) na hindi makikita ng naked eye. Sa kasalukuyan ay may dalawang klase ng FOBT ang aprubado ng Food and Drug Administration (FDA) para malaman ang pagkakaroon ng colorectal cancer: guaiac FOBT at fecal immunochemical test (FIT o iFOBT). Inirerekomenda na sumailalim sa guaiac FOBT kada isa o dalawang taon sa mga may edad na 50 hanggang 80. 

Sigmoidoscopy
Tinitingnan ang rectum at sigmoid colon gamit ang sigmoidoscope, isang maliit na tubo na may camera upang makita ang loob ng colon at kumukuha din ito ng tissue mula sa rectum at colon. Ang tubong ito ay ipinapasok sa puwit ng pasyente. Makikita mula dito ang mga polyps o kung may colorectal cancer ang pasyente. Hindi na kailangan pang i-sedate ang pasyente kapag sasailalim sa sigmoidoscopy. Inirerekomenda na sumailalim sa sigmoidoscopy kada limang taon.


Colonoscopy
Para din itong sigmoidoscopy. May ipinapasok na tubo sa puwit upang makita ang colon at rectum. Kailangan na malinis nang mabuti ang buong colon bago sumailalim sa colonoscopy. Karamihan sa mga pasyente at sine-sedate kapag sasailalim sa colonoscopy. Inirerekomenda na sumailalim sa colonoscopy kada sampung taon upang malaman ang pagkakaroon ng colon cancer. Ito ang screening test na pinakamataas ang sensitivity. Ibig sabihin ay mas madalas nitong nalalaman kung may colon cancer ang isang tao.

Standard Colonoscopy

Sintomas ng Colorectal Cancer 

Walang sintomas na mararanasan sa unang bahagi ng pagkakaroon ng colorectal cancer. Kaya kailangang sumailalim sa mga screening test na nabanggit sa itaas. Ilan sa mga sintomas ng colorectal cancer ay ang mga sumusunod
  • Pagbabago sa pagdumi, pagkakaroon ng diarrhea o constipation ng ilang araw
  • Pakiramdam na palagi kang kailangang dumumi
  • Pagdudugo ng rectum 
  • Dugo sa dumi, maitim ang kulay ng dumi 
  • Pananakit ng tiyan 
  • Panghihina at pagkapagod 
  • Pagbaba ng timbang

Karamihan sa mga sintomas ng colorectal cancer ay sintomas din ng ibang mga sakit tulad ng impeksyon, hemorrhoids o almoranas, irritable bowel syndrome o inflammatory bowel disease. Nugnit kung mayroon ka ng mga sintomas na nabanggit, mas maganda pa ring puntahan ang inyong mga doktor at kumonsulta upang malaman kung mayroon kang colon cancer. Mas madaling gamutin at agapan ang sakit na ito kung malalaman ng mas maaga.

Infographic about Colorectal Cancer


Colon Cancer Infographic 2013

References
http://www.cancer.org/cancer/colonandrectumcancer/moreinformation/colonandrectumcancerearlydetection/colorectal-cancer-early-detection-symptoms-of-crc
http://www.cancer.gov/types/colorectal/screening-fact-sheet#q1
http://aigindia.net/colonoscopy.html
http://www.cansa.org.za/colorectal-cancer-signs-symptoms/
http://www.philstar.com/health-and-family/2014/10/17/1381242/only-55-survive-colorectal-cancer

You Might Also Like

7 comments

  1. Replies
    1. Dok tanung kulng po. colon cancer npo ba kpag Ang nararanasan tulay ng ganito..

      1.pananakit ng puson habang nabukol
      2.sumasakit Ang ilalim ng bayag
      3.sobrang sakit pag dumumi.
      4.paninikip-panginginig ng buong katawan khit konte Ang dinumi..

      Chaka DOk pangalawang araw kunang Hindi nakakapag bawas.
      Kasi lumalabas lang na dumi sinlaki ng ng hinliliit sa paa..


      Thank you DOk Sana po masagot niyo ang tanong kopo..
      Kasi nahihirapan po ako ngayon

      Delete
    2. ganyan din nararanasan ko ngyon anu po payo sa inyo?

      Delete
  2. Doc ask ko lqng cmula kasi nanganak ako thru csection naging constipated ako 2 to 3 days bago ako dumumi then pag dudumi ako matigas parang feeling ko napupunit yung pwet ko kanang bahagi then minsan iniire k otlga para makaraos na agad ako sa pag dumi sa side na nasabi ko pp if may bahid dugo..can you inlighten me please po salamat

    ReplyDelete
  3. I found this blog informative or very useful for me. I suggest everyone, once you should go through this.

    monsoon

    ReplyDelete
  4. Tanong ko lang po doc, may posibilidad po ba na nagkakaroon ng colon cancer ang nag eedad ng 20+ na edad ?

    ReplyDelete
  5. Doc lagi po nananakit ang tyan ko may colon cancer na po kaya ako? sana masagot po

    ReplyDelete

Twitter Feed