Naghihintay
5:27:00 AM![]() |
UP Diliman AS, maraming GE classes ang dito ginaganap Image Source: http://unibersidadngpilipinas.tumblr.com/post/286172565/random-buildings-in-up-diliman |
Naghihintay: Ang Aral Pag-ibig na Itinuro ng mga Karanasan sa Enrollment sa UPD
Ang bawat enrollment ay pakikipagsapalaran
Lahat ng mga estudyante ay magkakalaban
Sa limitadong bilang ng mga GE
Tiyak na ubusan na naman ng MST
Walang nakuhang mga subjects
Sa inilabas na resulta ng CRS
Mangunguna na naman sa pagprerog
Sa labas ng kolehiyo nalang matutulog
Upang mauna sa napakahabang pila
At makasigurong may subjects na makukuha
Para matapos ang enrollment ng maaga
At mabawasan ang marami pang mga problema
Kasi wala pang bahay na tutuluyan
Dahil naubusan ng slots sa Kalayaan
At wala pang pambayad ng matrikula
Wala kasing scholarship at kulang ang naipong pera
Ngunit kailanman ay hindi pinanghinaan ng kalooban
Dahil lahat ng hamon ng enrollment ay mayroong katapusan
Lahat naman ng gusot ay nahahanapan ng paraan
Lahat ng mga problema ay nasosolusyunan
Ilan lang yan sa mga hamon na kinakaharap
Ng mga mag-aaral ng UP tuwing pasukan
Pero malaki pa rin ang pasasalamat
Sa mga aral na itinuro ng lahat ng mga naging karanasan
Pagdating sa pag-ibig, hindi mo problema ang paghihintay
Dahil apat na taon kang nagpakadalubhasa at sinanay
Na makipagsapalaran, magtyaga at magtiis
Makuha lang ang subjects na ninanais
Sa pagpila, walang kasiguraduhang may subjects na makukuha
Pero pipila ka pa rin at patuloy na aasa
Gayon din sa pag-ibig, susugal ka at tataya
Na masuklian ang pag-ibig na inialay mo sa kanya
At gaya ng mga problema sa enrollment na may katapusan
Ganun din naman ang paghihintay sa taong minamamahal
Kailangan lang magtyaga at patuloy na umasa
Na mapapansin din niya ang pag-ibig at pagtangi mo kanya
0 comments