Mga Dapat Malaman Tungkol sa Panganganak ng Cesarean Section

10:00:00 PM


Mga Dapat Malaman Tungkol sa Panganganak ng Cesarean Section
Payo mula sa Kalusugan ng Kababaihan

Kung nagbabalak ka o kailangan kang isailalim sa Cesarean section sa iyong panganganak, narito ang mga kailangan mong malaman. Ligtas naman ang CS lalo na kapag lisensyadong doktor na obstetrician ang gagawa.

1. Magpahinga pagkatapos manganak ng Cesarean section. Sa unang dalawang linggo pagkapanganak, huwag ka munang magbuhat ng mga bagay na mas mabigat sa iyong baby. 
2. Kung sobrang sakit, humingi ng pain medication sa iyong doktor. Magiging masakit pa rin ang operasyon kaya maaaring magbigay ng ibuprofen, paracetamol o iba pang pain medication ang iyong doktor. Karamihan naman sa mga ito ay ligtas sa sanggol kaya pwede pa ring magpasuso. 
3. Linisin ng mabuti ang sugat at obserbahan kung nagkakaroon ng impeksyon. Tingnan kung ito ay namumula, mainit at nagkakaroon ng nana. 
4. Bumalik sa iyong obstetrician para sa follow up check up. Kailangan niyang makita ang tahi kung may impeksyon.

You Might Also Like

2 comments

  1. doc pwede na poba kumain ng mangga hilaw

    ReplyDelete
  2. Doc tanong ko lang po,Kung Hindi na po active sa s*x ilang months na po nakalipas Ang mag asawa tas nag contraceptive pa din po Ang babae ok Lang po ba yon na itigil na Ang painom non, hindi po ba yon mabubuntis once na itigil na Wala namn pong contact Ng mag asawa?

    ReplyDelete

Twitter Feed