Magpalit ng damit pagdating sa bahay lalao na kung galing sa mataong lugar para iwas sa coronavirus

8:18:00 PM


Magpalit ng damit pagdating sa bahay lalao na kung galing sa mataong lugar para iwas sa coronavirus
Payo ni Doktor Doktor Lads

Ang coronavirus ay pwedeng manatili sa mga surfaces ng ilang oras hanggang ilang araw. Bagamat mas matagal itong nagstay sa mga matitigas na surfaces, pwede pa rin itong manatili sa iyong damit sa loon ng ilang oras.

Kapag galing ka sa labas, pwedeng manatili ang droplets na nagtataglay ng coronavirus sa iyong damit at pwedeng kumalat ito sa iyong bahay. Lalo na kung ikaw ay nagtatrabaho sa hospital o nakakasalamuha ka ng pasyente na may COVID-19.

Pagdating aa bahay, magpalit ng damit at maligo. Mainam din na maglaba ng iyong mga damit. Mas namamatay ang coronavirus sa mainit na tubig kaya pwedeng sa 60 degrees Celcius na tubig labhan ang iyong damit.

Stay safe everyone. Matatapos din ang pagsubok na ito.

You Might Also Like

0 comments

Twitter Feed