Pwedeng Magkaroon ng Stroke Mula sa Pag-inom ng Energy Drinks

10:15:00 PM

Pwedeng Magkaroon ng Stroke Mula sa Pag-inom ng Energy Drinks 

Madalas na umiinom ng energy drinks ang mga taong kailangang maging gising sa gabi. Minsan ay hindi na epektibo ang kape kaya naman umiinom na rin ng energy drinks. Ang mga energy drinks ay nagtataglay ng mataas na doses ng caffeine at minsan ay may taglay din itong iba pang mga stimulants. Nagdudulot ito ng anxiety, high blood pressure, heart palpitations, and caffeine intoxication and withdrawal.

Ayon sa mga doktor, may mga taong umiinom ng energy drinks na sinusugod sa hospital na mayroon nang stroke o pagdudugo sa utak. Ang stroke na ito ay maaaring dulot ng reversible cerebral vasoconstriction syndrome o RCVS. Ito ay ang biglang pagsikip ng mga ugat sa utak na nagdudulot ng pagkawala ng blood supply o pagdudugo sa utak. Bagamat ang RCVS ay reversible o pwedeng bumalik agad sa normal ang pagsikip ng ugat, may iilan na hindi nakakarecover at nagkakaroon ng stroke. Isa sa mga sintomas ng RCVS ay pagkakaroon ng sobrang sakit ng ulo sa loob ng ilang minuto. Pwedeng magkaroon ng pamamanhid at hindi maigalawa ang mga kamay at paa.

Bagamat rare o madalang ang nagkakaroon ng ganitong kondisyon dahil sa pag-inom ng energy drinks, mabuti pa rin na mag-ingat o limitahan ang pag-inom nito. Bukod sa energy drinks, may mga gamot din na pwedeng magdulot ng RCVS tulad ng nasa decongestants, ilang mga antidepressants tulad ng SSRI at mga gamot sa migraine.

Source: Cleveland Clinic

You Might Also Like

3 comments

  1. thank you for this very helpful information! buti na lng at tumigil na ako sa pag inom ng mga energy drinks lalo na yung Cobra. Sakit.info

    ReplyDelete
  2. Tama to madame na ngayong kaso na namatay sa energy drinks.ingat tayo guys!!! sakit.info

    ReplyDelete
  3. pwede pong magtanong . anong klaseng po pwede magpa konsulta. parang ung pasyente nag hahaluccination. parang na shock at wala sa tamang isip . no reaction pag kausap.

    ReplyDelete

Twitter Feed