Nine Warning Signs ng Kanser

7:38:00 PM


Maaaring magkaroon ng kanser kahit anong edad. Sa kasalukuyan, lung at breast cancer ang may pinakamaraming kaso sa Pilipinas. Malaking pasakit ang kanser sa pisikal, emosyonal at pinansyal na kalagayan ng isang tao. Kapag nadiagnose nang mas maaga ang kanser, mas malaki ang posibilidad na magamot ito. Narito ang siyam na warning signs at symptoms ng kanser.
  1. Pagbabago sa pagdumi at pag-ihi
  2. Sugat na hindi gumagaling
  3. Malalang pagdudugo at mayroong nana
  4. Bukol sa suso at ibang bahagi ng katawan
  5. Hindi natutunawan ng kinain at masakit kapag lumulunok
  6. Kakaibang nunal o kulugo
  7. Ubong hindi nawawala at magaspang na boses
  8. Hindi maipaliwanag na pamumutla
  9. Biglang pagbagsak ng timbang

Hindi ibig sabihin na meron ka ng mga signs and symptoms na nabanggit ay may kanser ka na. May posibilidad na kanser ito ngunit malaki din ang posibilidad na mula ito sa ibang sakit. Mahalaga ang regular na konsultasyon sa inyong mga doktor upang malaman kung mayroon kayong risk factors para sa kanser.

You Might Also Like

0 comments

Twitter Feed