Dok, okay lang bang matulog nang nakadapa?

1:38:00 AM


Ang mga taong natutulog nang nakadapa ay mas madalas na maging restless o kulang sa pahinga. Mas nagiging hindi rin komportable ang pagtulog kapag nakadapa. Maaari kasing magdulot ng strain sa leeg at sa lower back. Ito ay dahil ang bigat ng iyong buong katawan ay napupunta sa gitna ng iyong katawan sa may spine. Nagkakaroon din ng twisting ng leeg kapag natutulog na nakadapa kaya nagdudulot ito ng strain sa iyong leeg. Kapag tumagal baka magkaroon ng damage sa iyong leeg lalo na sa mga nerves nito.

Kung ganito ang gusto mong posisyon, maglagay ng malambot na unan sa iyong ulo o kaya ay huwag nang gumamit ng unan upang mas maging komportable ang leeg. Maglagay din ng malambot na unan sa iyong balakang para mas maging neutral ang posisyon ng gulugod at hindi ito mapagod. Mas maganda din na magkaroon ng stretching sa umaga upang mas mapalakas ang iyong likod.

You Might Also Like

2 comments

  1. Dok ok lamg ba na matulog ang buntis na nakadapa kahit 2 buwan ng buntis

    ReplyDelete
  2. Nd ba nakka deformed sa baby sa loob mg tyan ng ina kapag nakadapa matulog amg buntis ng 2 buwan

    ReplyDelete

Twitter Feed