Simpleng Paraan Para Maiwasan ang Hot Flashes Dulot ng Menopause

4:16:00 AM


Halos 75% ng mga kababaihan na malapit na o nagmenopause na ang nakakaranas ng hot flashes at pagpapawis sa gabi. Ito ang biglaang pakiramdam na sobrang init ng iyong katawan tapos labis ang iyong pagpapawis. Bagamat natural lang ang mga sintomas na ito, maaaring maging hindi ito komportable sa mga kababaihan. Ang hot flashes ay ang reaction ng iyong katawan sa pagbabago ng hormones sa iyong katawan dahil sa menopause. Narito ang mga pwede mong gawin upang maiwasan ang hot flashes.
  1. Iwasan ang mga triggers tulad ng paninigarilyo o paglanghap ng secondhand smoke, pagsusuot ng masisikip na damit, paggamit ng makakapal na kumot kapag natutulog, pag-inom ng alak at kape, pagkain ng maanghang na pagkain at pagiging stressed lagi. 
  2. Mag-ehersisyo sa umaga pra mawala ang iyong stress 
  3. Matulog sa malamig na lugar. Maaaring gumamit ng electric fan o aircon. 
  4. Uminom ng sapat nadami ng tubig

You Might Also Like

0 comments

Twitter Feed