Maraming may sakit sa puso sa pamilya ko: Magkakaroon din ba ako?

12:34:00 AM


Ang sagot diyan ay posible pero malaki ang nagagawa ng pagkakaroon ng healthy lifestyle. Isang pag-aaral ang tumingin sa genetic risk ng pagkakaroon ng sakit sa puso kapag marami sa iyong pamilya ang mayroon nito. Ang mga taong ito ay 90% na mas mataas ang risk na magkaroon ng sakit sa puso. Ngunit noong nagkaroon sila ng healthy lifestyle kasama ang pag-eehersisyo, pagkain ng masusustansyang pagkain, hindi nanigarilyo at uminom ng alak, bumaba ang kanilang risk ng pagkakaroon ng sakit sa puso. Halos nangalahati na lang ang kanilang risk na magkaroon ng sakit sa puso. Kaya kahit na dumadaloy na sa inyong pamilya ang sakit sa puso, maaari mo pa rin itong maiwasan basta healthy lifestly at regular ang check up.

You Might Also Like

0 comments

Twitter Feed