Paano Maiiwasan Ang Insomnia?

4:46:00 PM


Ang insomnia ay kondisyong kung saan hirap na makatulog ang isang tao. Marami ang maaaring maging dahilan nito tulad ng pagiging stressed, pag-iisip ng sobra o dahil sa ag-abuso ng isang gamot.

Narito ang ilang paraan upang maiwasan ang insomnia.
1. Iwasan ang pag-inom ng kape at alak at paggamit ng sigarilyo bago matulog
2. Matulog sa isang matahimik, madilim at malamig o preskong silid
3. Magkaroon ng pre-sleep routine tulad ng pagligo, pagbabasa ng libro o maaring subukan ang mga relaxation techniques
4. Matulog lamang kapag pagod ka na at talagang inaantok
5. Ilaan ang iyong kama para lamang sa pagtulog. Huwag gumawa ng ibang bagay sa iyong kama tulad ng trabaho o gawain sa paaralan
6. Maging consistent sa iyong sleeping time. Magkaroon ng exact na oras ng pagulog upang masanay ang iyong katawan
7. Huwag kumain ng sobrang dami sa gabi bago matulog
8. Huwag mag ehersisyo o gumawa ng extreme physical activity apat na oras bago matulog.

Kapag labis nang naaapektuhan ang iyong buhay ng insomnia, maaaring kumonsulta sa doktor upang mabigyan ka ng gamutan.

You Might Also Like

0 comments

Twitter Feed