Paano Maiiwasan ang Chronic Headache?

2:19:00 AM


Halos lahat ng tao ay nagkakaroon ng pagsakit ng ulo. Ngunit kung ang sakit ng ulo mo ay halos apat na araw sa isang linggo o mas madalas pa, baka mayroon kang chronic daily headaches. Kung laging sumasakit ang ulo mo ng 15 araw o higit pa sa loob ng isang buwan at ito ay tumatagal ng halos tatlong buwan, maaaring chronic daily headaches na iyan.

Maaaring makaranas ng sakit ng ulo sa isang bahagi lang ng mukha o parehong bahagi, parang pumipintig at mas lumalala kapag gumagawa ng physical activity, minsan ay nagdudulot din ng pagkahilo, pagsuka at sensitive sa ilaw at tunog.


Kailangang kumonsulta sa iyong doktor kung nagkakaroon ka ng sakit ng ulo ng dalawang beses sa isang linggo o higit pa, hindi nawawalang sakit ng ulo kahit may pain reliever na iniinom, lumalala ang sakit ng ulo at hindi na makagawa ng iyong gawain.

Para makatulong mawala ang chronic headache, iwasan ang pag-abuso ng mga gamot na iyong iniinom, matulog ng sapat sa oras, huwag magpapagutom at kumain sa tamang oras, mag-ehersisyo, bawasan ang stress at pag-inom ng kape

You Might Also Like

0 comments

Twitter Feed