Obese at Sobrang Payat, Mas Nagkakaroon ng Migraine

4:43:00 PM


Maaaring maimpluwensyahan ng iyong timbang ang pagkakaroon mo ng migraine headaches. Ang labis na katabaan at ang biglaang pagpayat ay hindi maganda para sa mga taong may migraine ayon sa Johns Hopkins University School of Medicine.

Ayon sa kanilang pag-aaral ng mga published researches, ang mga obese o labis na matabang tao ay 27% na mas mataas ang posibilidad na makaranas ng migraines kumpara sa taong may normal na timbang. Ang mga tao naman na sobrang payat ay 13% na mas mataas ang risk na magkaroon ng migraine kumpara sa taong normal ang timbang. Habang mas tumatanda ang isang babae, mas mataas ang risk ng pagkakaroon ng migarine.

Ang pagbabago sa fat tissue kapag tumataba o pumapayat ay maaaring makaapekto sa hormones na maaring magtrigger ng migraine. Ngunit ito ay association lamang at hindi nangangahulugan na nagdudulot ito agad ng migraine.

Mahalaga po na magkaaroon ng normal na timbang lalo na kung may migraine upang makasiguro na mas mababa ang risk na magkaroon ng migraine attacks.

You Might Also Like

0 comments

Twitter Feed