Mga Sintomas ng Panic Attack

2:55:00 AM


Ang panic attack ay ang biglaang pagkakaroon ng pakiramdam na mayroong masamang mangyayari sa iyo. Maaari itong mangyari kahit anong oras kahit na ikaw ay natutulog. Ang mga taong nakakaranas ng panic attack ay naniniwala na sila ay nagkakaroon ng heart attack o sila ay mamatay o nababaliw na. Kakaibang takot ang kanilang nararamdaman kahit wala naman talagang dapat ikatakot.

Narito ang ilang sintomas na nararanasan ng isang taong may panic attack
  1. Mabilis na tibok ng puso 
  2. Nanghihina at nahihilo 
  3. Namamanhid ang mga kamay at daliri 
  4. Pakiramdam na may masamang mangyayari 
  5. Pinagpapawisan at nilalamig 
  6. Nagkakaroon ng pananakit ng dibdib 
  7. Nahihirapang huminga 
  8. Hindi makontrol ang sarili

Panandalian lamang ang panic attack tumatagal ito ng kulang sa 10 minuto ngunit may ibang tao na mas matagal ang panic attack. Ang mga taong nagkaroon ng panic attack ay mataas ang posibilidad na magkaroon ulit ng panic attacks. Kapag paulit-ulit na ang panic attacks, tinatawag na itong panic disorder.

Nagagamot ang panic disorder. May mga psychotherapy at gamot na ginagamit para mawala ang panic disorder. Kung kailangan ng gamutan, maaaring magreseta ang doktor ng anti-anxiety medications na tinatawag na antidepressants. Huwag kang mawawalan ng pag-asa.

Manalangin ka at magkaroon ng magandang perspektibo sa buhay. Magtiwala ka na gagaling ka.

You Might Also Like

6 comments

  1. Ganito po naramdaman ko ngaun...:(

    ReplyDelete
  2. Ganyan po ako palagi lalo pag nag umuulan at kumikidlat..

    ReplyDelete
  3. ganyan po nararadaman ko pag may sakit ako at nag iicp ako .. posibleng bang may sakit sa puso kasi preho sila ng sintomas eh

    ReplyDelete
  4. ganyan po nararadaman ko pag may sakit ako at nag iicp ako .. posibleng bang may sakit sa puso kasi preho sila ng sintomas eh

    ReplyDelete
  5. same din po sakin :( nahihirapan ako lalonat pag gabi gas hirap ako huminga

    ReplyDelete

Twitter Feed