Mga Brain Food na Nakakatulong sa Memory, Focus at Concentration

1:59:00 AM


  1. Ang caffeine ay nagreresulta sa pagiging mas alerto. Nagbibigay ito ng enerhiya upang mas makapagconcentrate ka sa iyong ginagawa. Ngunit huwag uminom ng sobrang daming kape upang hindi bumilis ng sobra ang tibok ng puso at maging hindi komportable. 
  2. Ang sugar ay nagbibigay ng enerhiya sa ating utak. Maaaring uminom ng juice o kumain ng prutas upang magkaroon ng glucose para sa utak. Huwag masyadong maraming asukal ang kainin dahil kapag sobra ay nakakasira ng memorya.
  3. Huwag na huwag lalaktawan ang pagkain ng agahan dahil mas gumaganda ang memory at attention kapag nakakakain sa umaga. Kumain ng whole grains, dairy at prutas.
  4. Ang isda ay isang brain booster dahil mayaman ito sa omega 3 fatty acid na kailangan ng ating utak. Ang mga taong kumakain ng isda ay mas mababa ang chance na magkaroon ng dementia at mas matalas ang memorya kahit na tumatanda na
  5. Ang mani at dark chocolate ay may taglay na antioxidant vitamin E na nakakatulong upang makaconcentrate. Mayroon ding caffeine ang dark chocolate na nakakatulong upang mas makapagfocus.
  6. Ang avocado ay nakakatulong na mabawasan ang risk ng pagkakaroon ng sakit sa puso at pinapababa ang cholesterol sa ating dugo. Pinipigilan nito ang pagbubuo ng taba sa daluyan ng dugo kaya gumaganda ang daloy ng dugo sa utak. Kaya naman mas maganda ang function ng ating brain cells.

You Might Also Like

0 comments

Twitter Feed