Masamang Epekto ng Sobrang Init na Panahon sa Kalusugan

4:26:00 PM


Ang ating katawan ay mayroong controlled na temperature. Habang mas tumataas ang temperatura at umiinit, gumagawa ng paraan ang ating katawan upang hindi rin ito maging sobrang init tulad ng pagpapawis at pagdaloy ng dugo sa may balat. Narito ang ilang mga sakit na maaaring makuha dahil sa sobrang init na panahon
  1. Heat rash. Maaaring magbara ang mga daanan ng pawis sa ating balat at magdulot ng pangangati at discomfort 
  2. Heat cramps na madalas nararanasan ng mga nag-eehersisyo tuwing summer dahil nababawasan ng tubig at electrolytes ang ating katawan 
  3. Heat syncope o mahihimatay dahil sa low blood pressure na dulot ng pagluwag ng ating mga ugat dahil sa sobrang init 
  4. Heat exhaustion o labis na pagkapagod lalo na sa mga nagtatrabaho o nag-eehersisyo tuwing tag-araw 
  5. Heatstroke. Hindi nagagawa ng katawan na iregulate ang temperatura nito kaya labis itong tumataas na maaaring magduot ng pagkamatay kapag hindi naagapan.

Ang mga sakit na ito ay resulta ng dehydration at fatigue na dulot ng sobrang init. Para maiwasan ito, ugaliing uminom ng tubig lalo na ngayong summer at hangga't maaari ay bawasan ang pagbibilad sa araw.

You Might Also Like

0 comments

Twitter Feed