Masamang Epekto ng Pagpapaliban ng Pagkain

10:26:00 PM



Nasobrahan ka sa tulog kaya hindi ka na nakakain ng agahan, maraming ginagawa sa tanghali kaya hindi ka na nakakain, late ka na umuwi mula sa school o trabaho kaya di ka na rin nakakain ng agahan. Ano ang masamang epekto nito sa ating katawan kapag hindi tayo kumakain sa tamang oras.

  1. Bababa ang iyong timbang pero hindi ito healthy. Dahil ayon sa pag-aaral ng Ohio State University, bababa ang iyong timbang sa una ngunit sa katagalan ay magkakaroon ka din ng belly fat. Ito ay dahil ang timbang na nawawala kapag nakakalimutan mong kumain ay mula sa mga muscles at hindi sa taba.
  2. Maaari kang magkaroon ng nutrient deficiency na magduduot ng fatigue, poor mental function at iba pang sakit. Dapat ay kumonsulta sa dietitian kung balak mong magfasting upang makasiguro na makakakuha ka pa rin ng sapat na protina, vitamincs, minerals at essential fatty acids.
  3. Kapag laging hindi kumakainng agahan, mas mataas ang iyong risk na magkaroon ng type 2 diabetes. 
  4. Mas kumakain ng mga hindi masustansyang pagkain matapos magskip ng breakfast, lunch o dinner. 
  5. Maaaring mawalan ng enerhiya para sa mga kailangang gawin. 
  6. Maaaring makaranas ng pagtaas ng stress hormones na cortisol matapos ang heavy physical activity. Ang cortisol ay nagpapababa ng ating immune system. Kapag hindi ka kumain, hindi agad maiaalis ang immunosuppresion na ito 
  7. Kapag laging hindi kumakain sa tamang oras, maaaring magkaroon ng hilo, pagod, labis na pagkagutom at impeksyon.
  8. Maaaring magkaroon ng gastric acidity o reflux kapag laging lumalaktaw sa pagkain

You Might Also Like

0 comments

Twitter Feed