Masama ba sa Kalusugan ang MSG o Vetsin?

8:17:00 AM


Ang monosodium glutamate (MSG) o maskilala sa atin na vetsin ay isang flavor enhancer o pampalasa na madalas ginagamit lalo na sa Chinese cuisine. Ito ay classified ng Food and Drug Administration bilang food ingredient na "generally recognized as safe". Ngunit nananatili pa rin na kontrobersyal ang paggamit ng vetsin sa pagkain.

Matagal nang ginagamit ang vetsin para sa pagkain. May nakuhang maraming anecdote ang FDA ng mga adverse reactions mula sa vetsin. May mga tao na nakakaranas ng pagbilis ng tibok ng puso, pinagpapawisan, namamanhid ang mukha at lerg, nahihilo at nanghihina.

Wala namang nakitang ebidensya ang mga researchers sa mga adverse reactions na nabanggit. Ngunit mayroon talagang mga tao na nakakaranas nito. Ngunit hindi malala ang sintomas at nawawala din agad.

Tandaan lamang na moderation sa lahat ng bagay. Hinay hinay lang sa paggamit ng vetsin dahil anumang sobra ay masama. May taglay din kasing sodium ang vetsin at kapag napasobra sa sodium ay maaaring magdulot ng hypertension.

You Might Also Like

0 comments

Twitter Feed