Kala-Pasta (Kalabasa Pasta)

10:23:00 PM


Handog ng Medical Students for Social Responsibility-IPPNW Philippines at Philippine Association of Nutrition - Alpha Chapter ang isang mura at masustansyang recipe na tiyak magugustuhan ng buong pamilya.

Para lutuin ang Kala-Pasta, kailangang maghanda ng mga sumusunod
  • mantika (1/3 tsp)
  • sibuyas (3 tbsps)
  • bawang (3 tbsps)
  • petso ng manok (30g)
  • kalabasa (620g)
  • chicken broth (2 tbsps)
  • cornstarch (3/4 tsp).

Narito ang mga paraan kung paano ito lutuin:
  1. Painitin ang mantika
  2. Igisa ang sibuyas, bawang tapos itabi ito.
  3. Hiwain ang petso ng manok ng maliliit at pakuluan ito sa loob ng sampung minuto. Lagyan ng asin at paminta
  4. Liit-liitin ang petso ng manok na gagamiting pansahog sa kala-pasta
  5. Balatan at hiwain ang kalabasa. Pakuluan sa loob ng 15 minuto hanggang lumambot ito. 
  6. Gamit ang blender, ilagay ang kalabasa, chicken broth, onion at garlic at pinuhin ito. Gawni hanggang maging malapot ito
  7. Initin ang nablender na kalabasa sa kaldero at lagyan ng asin at pamina.
  8. Ihalo ang sauce na ito sa spaghetti noodles at ilagay sa ibabaw ang petso ng manok.

Ang recipe na ito ay nagtataglay ng 150kcal kada serving. May taglay itong fiber na nakakatulong sa paglinis ng ating bituka, calcium na kailangan para tumibay ang mga buto, phosphorus, iron, vitamin A para sa kalusugan ng mata, vitamin B at vitamin C na pampalakas ng resistensya. Mas mababa din ang glycemic index ng pasta kumpara sa kanin kaya nakakatulong na hindi biglaang tumaas ang blood sugar ng mga taong may diabetes.

You Might Also Like

0 comments

Twitter Feed