Face the Book Project (Tubo-Tubo)

8:37:00 AM


Para po sa background ng Face the Book Project, maaari niyo pong bisitahin ang post ko na ito.

Magandang araw po sa ating lahat. Nagbabalik po ang Face the Book Project! Ngayon po ang napili nating Ayta community na bibigyan ng mini library ay ang Tubo-tubo, Dinalupihan, Bataan. Isasagawa po natin ang pagbibigay ng mini-library sa darating na July 2017. 

Sa ngayon po ay nangangailangan po tayo ng mga libro para sa mini library, pera para sa materyales na gagamitin sa paggawa ng book shelves at para na rin sa pagkain na pagsasaluhan ng mga bata. Magkakaroon din po tayo ng mini art workshop at hygiene seminar para sa mga Ayta kids. 

Sana po ay suportahan ninyo ang proyektong ito. Bukas din po kami sa mga gustong magvolunteer sa araw ng pagbibigay ng mini-library. Kailangan po namin ng tulong sa preparations ng pagkain, sa art workshop, hygiene seminar.

Kung nais niyo pong tumulong, magmessage lamang po kayo sa aming Facebook page o icontact si Kuya Lads sa 099976838953. God bless you po.

You Might Also Like

0 comments

Twitter Feed