Depression: Alam mo ba ang mga Sintomas?

2:02:00 AM


Kadalasan nararanasan ang mga sumusunod na sintomas ng higit sa dalawang linggo 
  1. Malungkot, kinakabahan at parang may laging kulang sa buhay mo 
  2. Nawawalan ng pag-asa at napakanegative sa buhay 
  3. Pakiramdam na walang kwenta ang iyong buhay at walang makakatulong sa iyo 
  4. Hindi mo na naeenjoy yung mga bagay na dati naeenjoy mo 
  5. Hindi ka makaconcentrate, hirap makaalala ng mga bagay at hindi makagawa ng magandang desisyon 
  6. Sobra sobrang tulog o hindi makatulog 
  7. Nagbago ang iyong gana sa pagkain 
  8. Bumibigat o labis na bumabagsak ang timbang 
  9. Hindi ka mapakali at laging iritable 
  10. Nag-iisip ka na na magpakamatay

Maaaring hindi mo nararanasan lahat ng ito. Ang tawag ng mga doktor ay "major depression" kapag nararanasan mo ang at least limang sintomas na nabanggit sa loob ng dalawang linggo o higit pa. Ang mga taong mayroong major depression ay nakakaranas din ng sintomas tulad ng sakit sa tiyan, sakit sa ulo at iba pa.

Ang depression ay maaaring mild hanggang severe. Maaari kang kumonsulta sa doktor kapag naranasan ang mga sintomas ng higit sa dalawang linggo. Kung mayroon ka ding mga kamag-anak na nakakaranas nito lalo na ang may mga suicidal thoughts, hikayatin silang humingi ng tulong mula sa doktor. Ang mga psychiatrist ang espesyalista sa mga sakit tulad ng depression.

You Might Also Like

0 comments

Twitter Feed