Ano ang Sintomas ng Schizophrenia?

3:57:00 PM


Ang schizophrenia ay isang mental illness na maaaring maging malala kapag hindi naagapan. Ang mga taong may schizophrenia ay may naririnig na boses, may nakikitang mga tao o bagay at naniniwala sila na may ibang taong kumokontrol sa kanilang pag-iisip. Bagamat wala pang gamot sa schizophrenia, may mga gamot na maaaring kumontrol sa mga sintomas nito. Iba ang schizophrenia sa multiple personality disorder.

Ang mga sintomas ng schizophrenia ay hallucinations (may nakikita o naririnig sila kahit wala naman talaga), delusion (naniniwala sila sa isang bagay na mali at walang katotohanan) at paranoia (lagi silang takot na gusto silang patayin ng ibang tao kahit hindi naman talaga). Ang mga senyales tulad ng kawalan ng gana sa buhay at hindi paggawa ng mga social activities ay may hawig din sa sintomas ng depression.

Hirap na mag-organize ng kanilang isip at gumawa ng logical connections ang mga may sakit na ito. Parang papalit palit ang kanilang utak. Minsan ay mayroon silang thought withdrawal kung saan parang natatanggal ang kanilang iniisip o thought blocking kung saan bigla nalang naaabala ang kanilang iniisip.

Maaari silang magsalita kahit wala namang sense ang kanilang sinasabi. Pwede sila gumawa ng mga sarili nilang salita. Minsan ay maaaring nagwawala sila at minsan ay parang walang pakialam.

Kahit sino ay maaaring magkaroon ng schizophrenia. Ang sintomas ay kadalasang unang lumalabas sa edad na 16 hanggang 30. Mas maagang nagkakaroon ng sintomas ang mga lalake kumpara sa babae. Ang mga taong may kamag-anak na nagkaroon ng schizophrenia ay mas mataas ang risk na magkaroon din nito.

Wala pang laboratory test na nakakadiagnose ng schizophrenia. Binabase ng mga doktor sa history ng pasyente at mga sintomas ang pagdiagnose ng schizophrenia. Maaaring kumonsulta sa doktor kung mayroon kang sintomas o may kilala kang may sintomas ng schizophrenia.

You Might Also Like

0 comments

Twitter Feed