Ano ang Hallucinations?

4:52:00 PM


Ang hallucinations ay nangyayari kapag ang isang tao ay may nakikita, naririnig, naaamoy, nalalasahan o nararamdaman na mga bagay na wala naman talaga.

May iba't ibang dahilan ang hallucinations. Isa na dito ang pagkakaroon ng mental illness na tinatawag na schizophrenia o sakit sa nervous system tulad ng Paskinson's disease. Kapag ang isang tao ay nakakaranas ng hallucinatoins, mahalaga na magpatingin agad sa doktor upang mabigyan ng tamang gamutan.

  1. May naririnig na mga tinig. Ang tawag dito ay auditory hallucinations kung saan may naririnig kang boses sa iyong isipan. Minsan ay inuutusan ka ng boses na ito na gawin ang isang bagay. 
  2. May nakikita kang bagay o tao. Ito ang tinatawag na visual hallucination. Minsan may nakikita kang insekto na gumagapang sa iyong balat kahit wala naman. O minsan ay may nakikita kang tao kahit wala naman talaga. 
  3. May naamoy na bagay. Ito ang olfactory hallucinations kung saan may naamay ka na nagmumula sa paligid o sa iyong katawan kahit wala naman talaga. 
  4. May nalalasahan ka. Ito ang gustatory hallucinations kung saan may nalalasahan kang kakaiba sa iyong kinain kahit wala naman dapat ang lasa na iyon. 
  5. May nararamdaman kang mga bagay. Ito ang tactile hallucinations kung saan pakiramdam mo ay kinikiliti ka kahit hindi naman o minsan ay nararamdaman mong may gumagapang na insekto o uod sa ilallim ng iyong balat. Minsan pakiramdam mo may sobrang init na hangin sa iyong mukha kahit wala naman.

Ang mga sakit na maaaring magdulot ng hallucinations ay schizophrenia (pinakamadalas dito ang visual at auditory hallucinations), Parkinsons disease, Alzheimer's disease, migraines, brain tumor at epilepsy

Kumonsulta sa doktor kung ikaw ay may hallucinations upang macheck up ka at malaman ang dahilan ng iyong hallucinations. Maaaring magreseta ang iyong doktor ng gamot upang mawala ang iyong hallucinations. Huwag kang matakot at kakampi mo ang mga doktor.

You Might Also Like

2 comments

  1. Hello po ay nakakaramdam ng diko maintindihan simula po nung nanganak ako sa aking panganay..hanggang sa tuloy tuloy na diko po alam kung totoo o hindi yung ngyayari sakin..may palagi po akong naririnig na minsan iniisip ko ako yung pinaguusapan..ano po dapat kong gawin plz halos 13 yrs ko na po ito nararamdaman at nararanasan

    ReplyDelete
  2. Meron poh akng anak na 4 n taon lagi poh lang ntatakot kc nakakakita poh xa aswang,lagi poh nya cnsvi n may aswang ano poh kya ang magandang gawin pwd poh kya sa doctor dalahin

    ReplyDelete

Twitter Feed