Top 5 Foods na Maalat at Mataas sa Sodium

8:30:00 AM


Narito ang limang pagkain na may pinakamataas na sodium.
  1. Tinapay 
  2. Pizza 
  3. Sandwiches 
  4. Processed Meats 
  5. Soup 
Ang mga maaalat na potato chips at pretzels ang sumunod sa limang nabanggit. Napakaraming asin ang nakakain natin sa isang araw. Mahalaga na alam natin ang mga pagkain na masyadong mataas ang sodium upang hindi sumobra ang sodium intake natin sa isang araw. 

Ang sodium ay isang mahalagang mineral sa ating katawan na kailangan sa fluid balance. Ngunit kapag sobrang dami ng sodium sa ating katawan, nakakapagpataas ito ng blood pressure na delikado at maaaring magdulot ng atake sa puso at stroke. Ang isang kutsara ng asin ay may 2300mg ng sodium na siyang maximum na asin na pwedeng kainin ng isang normal na tao sa isang araw.

Kadalasan ng mga maaalat na pagkain ay ang mga mula sa restaurant at processed food. Ang isang paraan para maiwasan ang sobrang daming sodium ay ang pagtingin sa nutrition facts ng iyong kinakain. Piliin ang pagkain na mababa sa sodium. Kapag nagluluto naman sa bahay, iwasan na ang paggamit ng sobrang daming asin, patis at toyo.

You Might Also Like

0 comments

Twitter Feed