Paano Maiiwasan ang Makating Buni?

10:00:00 PM


Ang buni o tinea corporis ay isang fungal infection sa balat at ito ay nakakahawa. Ang grupo ng fungi na kung tawagin ay dermatophytes ang nagdudulot ng buni. Nabubuhay sila dahil sa keratin sa balat, kuko at buhok. Maaari ding maaapektuhan ang paa (athlete's foot), anit at singit.

Nagsisimulang lumabas ang sintomas apat hanggang sampung araw matapos ang contact sa fungus. Bilog at mapula ang rashes mula dito. Bahagyang makapal ang paligid ng bilog kaya mukha itong ring o singsing. Makati ang buni at kumakalat ito sa ibang bahagi ng katawan. Maaari ring magkaroon ito ng nana.

Maaaring mahawa mula sa pagkakadikit sa balat ng isang taong may buni, direct contact sa alagang hayop na mayroon ng fungus, paggamit ng mga bagay na nadikit sa isang taong may buni tulad ng toiletries, beddings at damit.

Mas malaki ang posibilidad na magkaroon ng buni kapag nakatira sa basa at humid na lugar, laging pawisin, sumasali sa mga contact sports tulad ng basketball, nagsusuot ng masisikip na damit, mahina ang immune system at nakikigamit ng damit, tulugan at tuwalya sa ibang tao.

Maaaring gumamit ng mga over-the-counter topical antifungal para sa buni. Ang mga halimbawa nito ay clotrimazole, miconazole, terbinafine at tolfaftate. Maaaring ointment o cream ang gamitin. Ipinapahid ito sa buni. Kapag masyadong malala na ang iyong buni at hindi gumagaling kahit gamitan ng mga gamot na nabanggit, kumonsulta sa iyong doktor upang maresetahan ka ng mas matapang na gamot o oral antifungals

You Might Also Like

0 comments

Twitter Feed