May Long Term Risk ba Kapag Nagdonate ng Kidney?

8:33:00 AM




Isang kidney lang ang kailangan ng isang tao para mabuhay. Ayon pa sa mga pag-aaral, maliit lang ang long-term risk kapag ikaw ay nagbigay ng iyong kidney. Lalo na kung nagsagawa ng masusing check-up sa iyo at nasiguro na ikaw ay malusog at kayang magdonate ng kidney. Sisiguruhin ng donor na ang kidney mo ay match sa tatanggap ng iyong kidney. Sisiguruhin din na wala kang ibang sakit na maaaring makasama sa iyong katawan kapag nagdonate ka ng kidney.


Ang kidney donation ay nangangailangan ng major surgery. Ang risk ay bleeding at infection. Matapos matanggal ang iyong kidney, ikaw ay mananatili sa hospital upang makarecover at saka ka pauuwiin sa bahay kapag mabuti na ang iyong kalagayan. Ang iyong long term survival rate, kalidad ng buhay, general health status at risk ng pagkakaroon ng kidney failure ay pareho lang sa isang taong na may normal na kidney. Kailangan lang ng regular na check up kasama na ang pagmonitor ng iyong kidney function at blood pressure.

You Might Also Like

0 comments

Twitter Feed