Makakatulong ba sa Psoriasis ang Coconut Oil?

5:49:00 AM


Kung naghahanap ka ng natural na lunas na maaari mong idagdag sa mga gamot mo para sa psoriasis, maaaring gamitin ang coconut oil. Ang virgin coconut oil ay nakakatulong para mamoisturize ang balat, mapababa ang inflammation at patayin ang mga bacteria. Kapag naglagay ng VCO sa psoriasis, tinutulungan nitong hindi matuyo ang balat, maibsan ang pamumula at pamamaga at pinpigilan na tumubo ang mga mikrobyo. Ayon sa mga pag-aaral, nakakatulong ang VCO sa mga sintomas ng eczema, isang sakit sa balat na may pagkakahawig sa psoriasis.

Maaaring ilagay ang VCO sa iyong anit upang maiwasan ang pagbabalat mula sa psoriasis. Iwanan lamang ito sa loob ng isang oras at hugasan ang yong buhok. Makakatulong ito na maalis ang mga scales. Hindi sapat na VCO lang ang ipanggamot sa psoriasis. Maaari lamang itong idagdag sa iyong gamutan. Mas mainam kung kumonsulta din muna sa inyong doktor o dermatologist kung ikaw ay may psoriasis.

You Might Also Like

0 comments

Twitter Feed