Ano ang Sakit na Psoriasis?

5:46:00 AM


Ang psoriasis ay isang sakit sa balat na nagdudulot ng mabilis na pagbuild up ng mga cells sa balat ng isang tao. Ang mga extra skin cells ay nagdudulot ng makapal na balat na parang kaliskis, makati ito, tuyo at namumula at minsan ay masakit.Pangmatagalan o chronic ang sakit na psoriasis. Minsan ay nakakaranas ka ng sintomas at minsan naman ay nawawala ito.

Hindi pa lubusang nalalaman ang dahilan ng pagkakaroon ng psoriasis ngunit maaaring ito ay may kinalaman sa problema sa immune system ng katawan. May mga triggers na nagpapalala ng sintomas ng psoriasis tulad ng impeksyon, pagkakaroon ng sugat o kagat ng insekto, pagkasunog ng balat mula sa init ng araw, stress, malamig na klima, paninigarilyo, pag-inom ng alak at pag-inom ng ilang mga gamot.

Nagiging challenge sa pasyente ang pagkakaroon ng psoriasis. May ilang mga tao na nagkakaroon ng depression at naiisip magpakamatay dahil sa sakit na psoriasis. Dahil isa itong chronic disease at minsan ay talagang malala ang nararmdaman na sakit at kati ng mga pasyente. Para maibsan ang depression o labis na pag-iisip, araling mabuti ang sakit lalo na kung paano ito mapapabuti at paano maiiwasan ang mga bagay na magpapalala sa sakit. Sundin ng mabuti ang mga bilin ng doktor. Inumin ang mga gamot at iwasan ang mga bawal. Humanap ng support group mula sa pamilya, kaibigan o mga kapwa pasyente na may psoriasis. Sa PGH, mayroong psoriasis club, isang support group para sa mga may psoriasis at nagtutulungan sila upang maencourage ang bawat isa.

Kung sa palagay mo ay mayroon kang psoriasis, kumonsulta sa inyong doktor upang agad itong magamot.

You Might Also Like

3 comments

  1. .aq po c judith balce ay isa xa nkararanas ng xakit na psoriasis almost 2mnths na po aqng merun nto kala q po nun una ai kagat lng ng lamok pwo hbng 2matagal po lalo xiang ndame at nalaki hanggang xa pati sugat q nadadamay na dn po..nd q na po alam gagawin q xna po m2lungan nio aq..

    ReplyDelete
    Replies
    1. Meron din poh akong sakit n ganyan....anu poh dapat igagamot poh...

      Delete
  2. Pra poh mawawala n poh ung kaliskis sa balat ko poh masakit n poh..

    ReplyDelete

Twitter Feed