Ano ang Gamot sa An-an?

4:39:00 PM


Ang an-an o pityryasis versicolor ay isang kondisyon sa balat kung saan nagkakaroon ng mga malilit na puting bilog sa balat ng isang tao. Maaaring mas maitim, mapula o pink ang kulay ng mga patches na ito. Maaari silang magdikit-dikit upang bumuo ng mas malaking patch. Ang kadalasang naaapektuhan ng an-an ay ang dibdib at tiyan, leeg, kamay at likod. Bagamat pangit tingnan ang an-an at makati paminsan-minsan, hindi ito nakakamatay. Kailangan lang kumonsulta sa inyong doktor upang mas mapadali ang gamutan. 

Bakit nagkakaroon ng an-an?
Ito ay dahil sa fungus na ang pangalan ay Malassezia. Nakikita ito sa halos 90% ng mga matatanda ngunit hindi ito nagdudulot ng sakit. Kapag lubusan itong dumami, doon ito nagdudulot ng an-an. Kapag lagi kang nasa mainit at basang lugar lalo na kapag summer, kapag laging nagpapawis, kapag oily ang iyong balat at kung ikaw ay nasa early 20s, mas malaki ang posibilidad na ikaw ay magkaroon ng an-an. Hindi ito related sa iyong hygiene at hindi rin ito nakakahawa dahil halos lahat naman ay mayroong Malassezia sa balat. 

Magagamot ang an-an sa pamamagitan ng mga antifungal medicine. Maaaring shampoo, cream o tablet ang gamitin. 
  1. Ang mga antifungal shampoos tulad ng ketoconazole or relenium sulfide shampoo) ay kadalasang first line of treatment para sa may mga an-an. Mabibili ito over-the-counter o maaari ring ireseta ng doktor. Ipahid lamang ang shampoo sa mga apektadong balat sa loob ng sampung minuto at saka ito hugasan. Gawin ito ng 5-7 araw. Kung makaranas ng hapdi mula sa paglagay ng shampoo, i-dilute ito o haluan ng kaunting tubig.
  2. Kapag maliit na bahagi ng balat ang apektado, gumamit ng antifungal cream. Ilagay lang sa balat ang cream ng isa o dalawang beses sa isang araw sa loob ng isang linggo.
  3. Kapag malaking bahagi ng balat ang apektado an-an at hindi umeepekto ang antifungal shampoo at cream, maaaring magreseta ang doktor ng antifungal tablets. Iniinom ito ng isang beses sa isang araw sa loob ng isa hanggang apat na linggo.

You Might Also Like

0 comments

Twitter Feed