Stress, May Kinalaman sa Iyong Pagtaba

5:21:00 PM


Ayon sa pag-aaral ng 2500 na lalake at babae edad 54 at pataas, ang level ng stress hormone na cortisol ay may kinalaman sa pagkaaroon ng malaking bewang at timbang. Nagpapakita ito na maaaring may kinalaman ang chronic stress sa pagkakaroon ng obesity. Ang cortisol ay isang stress hormone na nilalabas ng adrenal glands sa panahon ng stress. Bukod sa pagpigil sa pamamaga sa katawan at pagregulate ng blood presure, sinsiguro din ng cortisol na may sapat na blood sugar ang katawan para maging source ng energy.


Kailangan pa itong pag-aralan para mas maintindihan ang pagkakaugnay ng chronic stress sa pagkakaroon ng mabigat na timbang. Kailangan ay huwag kumain ng marami kapag nakakaranas ng stress bagkus ay humanap ng ibang paraan tulad ng medication, yoga, pagdadasal at sports para maibsan ang stress. Ayon din kasi sa pananaliksik ng mga eksperto, ang cortisol ay nagdudulot din ng pagtaas ng ating appetite at kagustuhan natin na kumain ng mga comfort foods na mataas ang calories. Kaya kapag mataas ang stress level may posibilidad na mas lalo kang tumaba.

You Might Also Like

0 comments

Twitter Feed