Mabigat na sanggol pagkapanganak, Maaaring dahil may Diabetes ang Ina

6:04:00 PM

 

Ang fetal macrosomia ay ang pagkakaroon ng sanggol na sobrang laki ng timbang. Kadalasan na may bigat na higit 4000grams ang mga sanggol na may fetal macrosomia. Ang fetal macrosomia ay maaaring magdulot ng komplikasyon sa panganganak ng isang ina. May mas mataas na risk din ito ng injury sa sanggol habang ipinapanganak at kahit matapos na itong ipanganak.

Hindi madaling madiagnose ang fetal macrosomia habang nagbubuntis pa. Maaaring senyales at sintomas nito ang pagkakaroon ng fundal height o laki ng tiyan. Ang pagkakaroon din ng maraming amniotic fluid (polyhydramnios) ay senyales na mayroong fetal macrosomia ang sanggol.

Maaaring may mga genetic factors na sanhi ang pagkakaroon ng fetal macrosomia at maaari ding dahil sa kondisyon ng ina tulad ng obesity o labis na katabaan at pagkakaroon ng diabetes.

Kung mayroong kang lahi ng diabetes at kung ikaw ay obese at balak magbuntis, dapat kumonsulta ka sa iyong OB GYN doctor para matulungan ka sa iyong pagbubuntis at maiwasan ang pagkakaroon ng anak na may fetal macrosomia. Mahalaga na magkaroon ng tamang timbang, masustansyang pagkain, makontrol ang diabetes at magkaroon ng regular na ehersisyo. Makakatulong ito upang maiwasan ang komplikasyon ng fetal macrosomia sa iyo at sa iyong anak.

You Might Also Like

0 comments

Twitter Feed