Alamin ang Sakit na Hypothyroidism!
8:54:00 PMNagdudulot ang sakit ng ito ng hindi balanseng chemical reactions sa iyong katawan. Kapag hindi naagapan ang hypothyroidism, maaaring mauwi ito sa ilang mga sakit tulad ng obesity, joint pain, hindi mabuntis at sakit sa puso. Kailangang sumailalim sa thyroid function test upang malaman kung mayroon kang hypothyroidism.
Iba-iba ang mga sintomas at senyales ng hypothyroidism. Depende din ang sintomas sa kung gaano kakulang ang hormones. Sa umpisa, hindi gaanong mapapansin ang mga senyales ng sakit tulad ng pagkapagod at pagbigat ng timbang. Ngunit habang tumatagal ay lalong bumabagal ang iyong metabolism at nagiging mas halata ang mga stinomas tulad ng
- Pagkapagod
- Lamigin
- Laging constipated o hirap dumumi
- Nanunuyo ang balat
- Tumataba
- Nagbabago ang boses
- Nanghihina ang mga muscles
- Tumataas ang blood cholesterol
- Nananakit ang mga buto at kasukasuan
- Hindi normal o iregular na pagreregla
- Manipis ang buhok
- Mabagal na tibok ng puso
- Depression
- Nagiging malilimutin
- Maga ang mukha at mata
Kung mayroon ka ng mga senyales at sintomas na nabanggit, kumonsulta na sa inyong family doctor upang malaman ang iyong kondisyon at agad itong magamot.
0 comments