7 Tips Para Maiwasan ang Cancer

4:23:00 AM


Wala pang siguradong paraan para maiwasan ang kanser. Pero may ilang lifestyle changes na mababawasan ang ating risk na magkaroon ng kanser.
  1. Iwasan ang paninigarilyo dahil ito ay risk factor sa pagkakaroon ng kanser sa baga, bibig, lalamunan, pancreas, pantog, cervix at bato. Kahit hindi ka naninigarilyo, ang secondhand smoke na nalalanghap mula sa mga naninigarilyo sa paligid ay risk factor din para magkaroon ka ng kanser. Iwasan at huwag subukan ang paninigarilyo. 
  2. Magkaroon ng healthy diet. Kumain ng prutas at gulay. Magbawas ng timbang. Iwasan ang pag-inom ng labis na alak dahil risk factor ito ng kanser sa suso, colon, baga, bato at atay. Iwasan din ang pagkain ng mga processed meats.
  3. Magkaroon ng normal na timbang at regular na ehersisyo. Nakakatulong ito na mabawasan ang risk ng pagkakaroon ng kanser sa suso, prostate, baga, colon at bato. Kailangan na magkaroon ng 150 minuto ng ehersisyo kada linggo.
  4. Protektahan ang iyong balat mula sa matinding sikat ng araw. Iwasan na mabilad sa araw ng tanghaling tapat. Gumamit ng sunscreen kapag mabibilad sa araw. Iwasan din ang pagbabad sa init dahil risk factor ito sa pagkakaroon ng kanser sa balat.
  5. Magpabakuna dahil may ilang mga impeksyon na maaaring mauwi sa pagkakaroon ng kanser. Kumuha ng bakuna laban sa hepatitis B dahil isa itong risk factor sa pagkakaroon ng kanser sa atay. Ang mga babae at lalake ay hinihikayat din ng magpabakuna laban sa human papilloma virus (HPV) para maiwasan ang pagkakaroon ng cervical cancer at head and neck cancer.
  6. Iwasan ang mga risky behavior tulad ng pakikipagtalik sa kahit sino ng walang proteksyon tulad ng condom. Maaaring makakuha ng HIV or HPV infection mula dito at ito ay maaaring magdulot ng iba't ibang klaseng kanser.
  7. Magkaroon ng regular na check up sa iyong doktor upang malaman kung may nagdedevelop na kanser sa iyong katawan.

You Might Also Like

0 comments

Twitter Feed