Sintomas ng Hyperprolactinemia sa Babae

4:01:00 AM


Iregular o wala kang regla? May parang gatas na likidong lumalabas sa suso mo? Nanunuyo ang iyong ari at masakit kapag nakikipagtalik? Kumonsulta at maaaring hyperprolactinemia.

Hyperprolactinemia ang tawag sa kondisyon kung saan ang isang tao ay may mataas na prolactin sa dugo. Ang prolactin ay isang hormone na mula sa pituitary gland. Ang pangunahing gawain ng prolactin ay tulungan ang katawan na gumawa ng gatas matapos manganak ang isang babae.

Makikita ang sakit na ito sa 9-17% ng mga babaeng may reproductive diseases. Halos 5% ng mga babae sa family planning clinic ay may sakit na ito at 17% sa mga babaeng may PCOS ay may hyperprolactinemia (Majumdar and Mangal. 2013. J. Hum. Reprod Sci. 6(3):168-175)

Normal lang na mataas ang prolactin kapag nagbubuntis at nagpapasuso ng bata ang isang babae. May mga pagkakataon na tumataas ito dahil sa sakit o paggamit ng gamot. Kadalasan na sanhi nito ay tumor sa pituitary gland na tinatawag na prolactioma. Ang tumor na ito ay benign ibig sabihin hindi ito kanser. Mas madalas itong makita sa babae kaysa sa lalake.

Ang prolactin ay nagpapababa ng lebel ng estrogen at testosterone sa babae at lalake. Kapag madami ang prolactin dahil mayroon kang tumor, bababa ang sexual libido at magkakaroon ng iregularidad sa pageregla. Ilan pang epekto nito sa mga babae ay vaginal dryness na nagdudulot ng sakit kapag nakikipagtalik at nagkakaroon din ng likidong lumalabas sa suso kahit na hindi buntis o nagpapasuso.

Maaaring madiagnose ang hyperprolactinemia sa pamamagitan ng pagsusuri sa dugo upang malaman ang prolactin level. Maaari ding magsagawa ang doktor ng test para sa thyroid (hypothyroidism) upang malaman kung may kinalaman ba ang thyroid sa mataas na prolactin level. Maaari din magrequest ng MRI upang malaman kung may bukol ba sa pituitary gland o prolactinoma na naglalabas ng maraming prolactin.

Kung prolactinoma ang sanhi ng mataas na prolactin sa iyon dugo, ang unang hakbang sa gamutan ay pag inom ng gamot na nagpapababa ng prolactin production at nagpapaliit ng tumor. Kung hypohyroidism ang sanhi ng mataas ng prolactin levels, nangangailangan ito ng synthetic thyroid hormone na gamutan. Maaaring kumonsulta sa inyong doktor o sa mga endocrinologists kung nakakaranas kayo ng mga sintomas na nabanggit.

You Might Also Like

0 comments

Twitter Feed