Pwede bang uminom ng alak kapag may sakit sa puso?

5:22:00 PM


Kailangan niyo pa ring kumonsulta sa inyong doktor. Kung hindi ka naman talaga umiinom ng alak, huwag mo na itong subukan pa. May mga cardiologists na nagsasabi na ang isang baso ng wine kada araw ay maganda para sa mga taong may sakit sa puso at kahit sa mga walang sakit sa puso. Ngunit depende pa rin sa inyong doktor dahil iba-iba ang kaso ng bawat pasyente.

Ang moderate na pag-inom ng alak ay nakakatulong na palabnawin ang dugo at nakakabawas ng risk na magkaroon ng blood clots sa iyong mga ugat. Bagamat nakakatulong din ang alkohol na pataasin ang HDL o ang good cholesterol, napapataas din nito ang triglycerides na isa naman klase ng fat sa ating dugo. Kapag sumobra ang pag-inom ng alak, maaaring pataasin nito ang iyong blood pressure at magdulot ng atrial fibrillation (isang klase ng iregular na pagtibok ng puso).

Kung ikaw ay may sakit sa puso at patuloy pa rin sa pag-inom ng sobrang daming alak, bawasan mo na ito. Kung mayroon kang congestive heart failure at umiinom ng maintenance drugs, hindi advisable na ikaw ay uminom ng alak.

You Might Also Like

0 comments

Twitter Feed