Maari Kang Mamatay mula sa Anaphylaxis

9:13:00 PM


Ang anaphylaxis ay isang malubhang allergic reaction na kailangan ng agarang gamutan. Kapag ikaw ay may anaphylactic reaction, kailangan mo ng epinephrine shot sa lalong madaling panahon. Kailangan na dalhin agad sa hospital kung hindi ay magdudulot ito ng pagkamatay. Ang epinephrine ang mag-aalis ng sintomas sa loob lamang ng ilang minuto. Kapag hindi ito agad gumana maaaring maglagay muli ng pangalawang epinephrine shot. Kailangan ng precription ng doktor para sa epinephrine. 

Hindi dapat uminom ng antihistamine lang pag nagkaroon ng anaphylaxis.Hindi madalas ang anaphylaxis ngunit dapat lamang na sabihin mo sa iyong doktor kung mayroon kang allergy sa gamot bago ka uminom ng gamot. Mainam din na lagi kang may dalang card na may impormasyon ukol sa mga bagay o pagkain na mayallergy ka. 

Ang unang senyales ng anaphylaxis ay skin rash o pantal sa balat at sipon. Ngunit sa loob lamang ng 30 minuto ay lalabas na ang mga mas malalang sintomas tulad ng pag-ubo, pangangati, paninikip ng dibdib, pagkahilo, pagkahimatay, pagkalito, panghihina, namumulang mga balat, mabilis na tibok ng puso, pagsusuka, diarrhea at pamumutla. Kapag hindi naagapan ay maaaring magni sanhi ng pagkamatay.

Nangyayari ang anaphylaxis kapag mayroon kang antibody (isang bagay na lumalaban sa mga infection) sa mga bagay tulad ng pagkain o gamot. Nag- ooverreact ang iyong katawan sa oras na maka-encounter ito ng trigger tulad ng pagkain o gamot kung saan ka allergic. Sa mga bata, ang pinakamadalas na sanhi ay pagkain tulad ng mani, lamang-dagat, isda, gatas, itlog at soy at sa matanda ay gamot tulad ng penicillin, aspirin, ibuprofen.

Bawat tao ay may iba't ibang reaksyon sa iba't ibang pagkain at gamot. Mahalaga na malaman mo kung anong mga bagay o pagkain ang nagdudulot sa iyong ng allergic reaction lalo na ang anaphylaxis. Kung alam mo na ang mga bagay na may allergy ka, mainam na iwasan ito upang maiwasan din ang posibilidad ng anaphylaxis. Ang doktor na espesyalista sa ganitong mga sakit ay tinatawag na allergologist and immunologist.

You Might Also Like

0 comments

Twitter Feed