Best Diets Para sa may Diabetes

10:03:00 AM


Bagong taon at maraming tao ang may new year's resolution na magpapayat. Kaya naman marami ang naghahanap ng best diets. Maraming iba't ibang klase ng diets na makikita at malalaman mo. Ngunit para sa mga taong mayroong diabetes, may mga mainam na diet para sa iyo.
  1. DASH diet. Ginawa ang diet na ito para mapababa ang blood pressure ng isang tao. Bukod dito maganda din ang DASH diet para sa mga may diabetes dahil mayaman ang diet na ito sa prutas, gulay, grains at mababa ito sa fat, asukal at sodium na tamang-tama para sa may mga diabetes.
  2. Mediterranean diet. Ang diet na ito ay base sa mga kinakain ng mga tao sa Greece, Southern France at Italy. Mababa ang diet na ito sa mga red meat at mas maraming gulay, mani at healthy fats ito. Ang calorie intake ay halos nanggagaling sa grains, prutas, gulay, beans at dairy. Makakakuha ng healthy fats mula sa avocado at olive oil.
  3. Ang mga plant-based diet ay halos puro gulay at prutas at wala o kaunting karne.
Tandaan na kailangan pa ring kumonsulta sa inyong doktor at dietitian upang malaman kung ano ang iyong magiging weight-management plan. Kailangan ito upang makasiguro na hindi ito makakasagabal sa iyong gamutan para sa diabetes

You Might Also Like

0 comments

Twitter Feed