Ayos Lang Ba Tanggalin Ko Mag-isa ang Skin Tags?

6:18:00 AM


Ang skin tag ay laman na nakalawit sa iyong balat. Kadalasan itong nakikita sa mga balat na madalas nagkikiskisan sa isa't isa tulad ng leeg, kili-kili at singit. Makikita ito sa kahit anong edad ngunit mas madalang itong nakikita sa bata. Ang mga overweight o sobrang taba ay mas madalas nagkakaroon ng skin tags. Hindi magandang makita ang mga skin tags ngunit hindi naman ito health issue. Ngunit kung nairita ito at nagdugo, maaaring pumunta sa doktor upang matingnan ito.

May iba't ibang paraan ang mga dermatologist upang matanggal ang skin tags. Mayroong nilalagyan ng pampamanhid ang skin tag at saka ito tinatanggal. Meron din namang electrodessication kung saan ito ay isang surgical method na nagpapadaan ng electric current para matuyo at maalis ang skin tags.

Madalas ay gusto natin na tanggalin o hiwain ang skin tags para mawala ito. May mga nakikita din na mga over the counter compounds para matanggal ito ngunit ayon sa mga dermatologist o mga doktor na eksperto sa mga sakit sa balat, huwag gawin ang mga do it yourself na pagtanggal ng skin tags dahil maaaring mauwi ito sa impeksyon at pagdugo. Kailangan na makita ito ng doktor dahil baka nunal o skin cancer na ito.

You Might Also Like

0 comments

Twitter Feed