Allergy Skin Test: Para Malaman Kung Saan ka Mayroong Allergy

7:22:00 PM


Ang allergy skin test ay ginagawa upang malaman kung ano ang mga allergens na nagdudulot sa iyong ng allergy. Kasama ng medical history, makakatulong ang allery skin test upang malaman kung ano ang mga bagay na nagdudulots sa iyo ng allergy.

Ang allergy skin test ay nakakatulong upang madiagnose ang mga allergic conditions tulad ng allergic rhinitis, dermatitis, food allergies, penicillin allergy at latex allergy. Ligtas ang skin test para sa mga bata at matanda pati na rin ang mga sanggol. May mga pagkakataon lamang na hindi ito isasagawa ng doktor kung mayroon kang severe allergic reaction o uminom ka ng gamot na makakaapekto sa resulta. Ang allergy skin tests ang pinakamainam na paraan para madiagnose ang allergies sa mga bagay o pagkain

Bago sumailalim sa allergy skin test, papayuhan ka ng doktor na iwasan ang pag-inom muna ng gamot na makakaapekto sa iyong allergic reactions tulad ng antihistamines, tricyclic antidepressants, gamot sa heartburn at asthma.

Tumatagal ang allergy skin test ng 20 hanggang 40 minuto. May ikakaskas o itutusok na iba't ibang klaseng allergen sa iyong balat. Malalaman dito kung mayroon kang allergy sa pollen, mold, balahibo ng aso o pusa, dust mites at pagkain. Ginagawa ito sa kamay kapag matanda at maaaring sa likod kapag sa bata. Hindi masakit ang allergy skin test. Mayroon lamang pangangati na mararamdaman. Hindi rin magdudugo ang iyong kamay sa test na ito.

Bago ka umalis mula sa iyong check up ay malalaman mo na ang resulta ng test. Kapag nagkaroon ka ng pantal at pamumula mula sa allergy skin test, ibig sabihin ay maaaring may allergy ka sa allergen na iyon. Mahalaga na malaman mo ang mga bagay, gamot o pagkain kung saan ikaw ay may allergy upang maiwasan ang malubhang allergic reaction o anaphylaxis.

You Might Also Like

1 comments

Twitter Feed