Alamin ang Senyales at Sintomas ng Allergic Rhinitis?

2:53:00 PM


Laging may runny nose at bumabahing? Laging nagluluha at namumula ang mata? Laging makati ang lalamunan? Baka allergic rhinitis na yan!

Ang allergic rhinitis ay isang sakit kung saan apektado ang ilong. Nangyayari ito kadalasan kapag may nalanghap na bagay nag nagdudulot ng allergy tulad ng alikabok, balahibo ng hayop o pollen. Maaari ring makaranas ng sintomas kapag nakakain ka na ng pagkain kung saan ikaw ay may allergy.

Ang kadalasang sintomas ng allergic rhinitis ay pagbahing, runny nose, parang barado ang ilong, pagubo, makati ang lalamunan, nangangati ang mata, nagluluha ang mata, nangingitim ang ilalim ng mat, masakit ang ulo, pangangati ng balat, pantal at labis na pagkapagod.

May dalawang klase ng allergic rhinitis. 
  1. Seasonal kung saan may mga araw lang na lumalabas ang sintomas. Kadalasan na sanhi ito ng allergic reaction kapag nakalanghap ng molds, alikabok, pollen mula sa mga puno at damo. 
  2. Perrenial. Nakakaranas ng sintomas ng allergic rhinitis buong taon. Sanhi ito ng allergy mula sa balahibo ng aso o pusa, ipis at mold.

Ang mga risk factors sa pagkakaroon ng allergic rhinitis ay ang family history ng allergy. Kapag marami kang kamag-anak na may allergy, mas mataas ang posibilidad na magkaroon ka ng allergic rhinitis. Kapag lagi kang exposed sa sigarilyo, kemikal, malamig na klima, mahangin, marming polusyon, laging gumagamit ng hairspray at matatapang na pabango at nagsisiga gamit ang kahoy.

Mahalaga na iwasan ang mga bagay na alam mong nagdudulot ng allergic rhinitis. Kumonsulta sa doktor upang macheck up ka at mabigyan ng gamot lalo na kung madalas kang nagkakaroon ng allergic rhinitis.

You Might Also Like

3 comments

  1. Good morning sa anung pong especialista pwedi magpunta pag may mga sintomas kana ng allergic rhinitis.THANKS PO & GOD BLESS

    ReplyDelete
    Replies
    1. Pwede po kayong pumunta sa isang allergologist/immunologist o kaya sa isang otolaryngologist/ENT doctor.

      Delete

Twitter Feed