Pagbubunot ng Buhok sa Ilong, Maaaring Mauwi sa Impeksyon sa Utak

8:19:00 PM


Madalas ay hindi magandang tingnan kapag masyado nang mahaba ang buhok sa ilong. Ngunit mahalaga ang mga buhok sa ilong lalo na sa pagsala ng mga dumi sa hangin kapag tayo ay humihinga. At may mahalagang dahilan kung bakit hindi mo dapat ito bunutin.

Maraming mga mikrobyo ang naninirahan sa ating ilong. Kapag binunot mo ang buhok nito, magkakaroon ng space kung saan maaaring pumasok ang mikrobyo at magdulot ng impeksyon sa iyong katawan. Dahil ang ilong ay nasa "danger triangle", posibleng makapunta ang mikrobyo sa iyong utak at magdulot ng impeksyon doon. Ito ay dahil ang mga ugat na nanggagaling sa ilong ay may komunikasyon sa mga ugat na nanggagaling sa utak. Kapag nakapunta ang mikrobyo sa utak maaaring magdulot ito ng meningitis o brain abscess o pamamaga ng utak.

Sa susunod, ugaliin na lamang na itrim o gupitin ang mga buhok sa ilong na nakalas. Huwag itong bunutin upang hindi magkaroonng sugat o open area kung saan makakapasok ang mikrobyo.

You Might Also Like

4 comments

  1. Doks... nagbunot kasi ako ng buhok sa ilong last feb15 tapos bigla ako sinipos at then mga 2 days na hanggang ngaun namaga ung buto sa ilong ko anu po ba pwede ko gawin ? Salamat po

    ReplyDelete
  2. Sa tatlong taong gulang po na matmaya nahihilo,
    Kasi nagkameningaitis sya nung 2017,tapos nakompine ten days yan ang epekto lagi at minutong nahihilo sumasakit ang ulo

    ReplyDelete
  3. Pa advice naman po oh please naawa ako sa anak ko dikupo sya Napa check up pa, kakulangan ng budjet

    ReplyDelete
  4. doc pa advice lang po ako makati kasi ilong ko at palagi na may sepon na parang tubig dahil palagi ko binonot kasi ang balahibo nito. tnx po

    ReplyDelete

Twitter Feed