Mga Paraan Para Maiwasan ang Kulugo

8:31:00 AM


Ang common wart o kulugo ay maaaring matagpuan sa kamay, paa o mukha. Kadalasan itong magaspang, iregular ang anyo, maaaring nakaumbok o flat at kadalasang tuyo. Kung hindi ka sigurado sa iyong kulugo, mainam na kumonsulta sa iyong doktor upang makasiguro na hindi ito cancerous growth.

Ang warts na mula sa virus ay highly contagious o lubhang nakakahawa. Kapag mayroon kang kapamilya o kasama sa bahay na may kulugo, huwag maghiraman ng tuwalya upang maiwasan ang hawahan ng kulugo.

Nawawala naman ang mga kulugo ngunit medyo matagal nga lang. Ngunit marami ang ayaw nakikita na may kulugo dahil nakakahiya ito. Narito ang ilang mga paraan upang maiwasan ang pagkakaroon ng kulugo
  1. Maglagay ng Vitamin E oil sa mismong kulugo at takpan ito ng benda. Gawin ito dalawang beses sa isang araw hanggang sa mawala ang kulugo. Maaaring mawala ang kulugo sa loob ng ilang linggo hanggang ilang buwan.
  2. Maaaring durugin ang bawang at ilagay ito sa kulugo at takpan ito ng benda. Kapag nagkaroon ng blisters pagkatapos ng isang araw, tanggalin na ang benda at bawang. Mawawala na ang kulugo sa loob ng ilang linggo.
  3. Maaaring gumamit ng mga over the counter na gamot na nagtataglay ng salicylic acid. Ligtas at epektibo ang mga gamot na ito pangtanggal sa kulugo.

Kapag hindi gumana ang mga paraang nabanggit, maaaring ipatanggal ito sa isang dermatologist sa pamamagitan ng simpleng operasyon.

You Might Also Like

0 comments

Twitter Feed