Book Review: Ang Mainggiting Kuting`

8:18:00 PM


Ang "Maiinggiting Kuting" ay kwento ni Sir Eugene Evasco, full professor sa Unibersidad ng Pilipinas at iginuhit naman ni Dominic Agsaway. Ang librong ito ay nailimbang ng Lampara Books. Kakabili ko lang ng librong ito noong Huwebes nang mapadaan ako sa Precious Pages stall sa SM Manila. Mas malaki kasi ito sa karaniwang mga libro ng Lampara kaya agad kong napansin. Tapos si Sir Eugene pa ang may-akda kaya bumili ako kaagad. Marami kasi akong oras ngayong bakasyon kaya sigurado akong mababasa ko ito at magagawan ng book review.

Simple lang yung pagkakaguhit ng libro pero gusto ko yung choice of colors kasi light colors ang ginamit. Maikli lang yung kwento kaya kayang basahin sa loob lamang ng ilang minuto. Tamang-tama para sa mga maliliit na bata na nagsisimula pa lang magbasa. May salin din ang kwento sa Ingles.

Umikot ang kwento sa isang kuting na sobrang mainggitin. Lahat na lamang ng mga hayop sa kanyang paligid ay kinaiinggitan. Hindi siya nakukuntento sa kung ano ang meron siya. Katulad na lamang ng pagsira niya ng tanim na munggo ni Biik at pagwasak sa kastilyong buhangin ni Guya. Humihingi naman siya ng paumanhin ngunit labis na nasaktan ang damdamin ng ilang mga hayop at nasira na ang kanilang mga gamit.

Sa huli ay pinayuhan si Kuting ng kayang mga tagapangalaga na sina Matsing at Pagong na hindi sapat na magpaumanhin lamang. Dapat ay tulungan din niya si Guya na buuin mula ang kastilyong buhangin. Gumawa dapat siya ng paraan upang matulungang maibalik ang mga nasirang gamit. Ang aral na gustong iparating ng libro ay katarungan, katuwiran o pagwawasto ng mga maling bagay na nagawa. Kailangan ay sikapin natin na tulungan ang mga tao na nagawan natin ng masama.

Isang aral din na makikita natin mula sa kwento ay walang naidudulot na maganda ang pagiging mainggitin. Kailangan ay makuntento tayo sa kung ano ang meron tayo. Huwag tayong gumawa ng masama dahil naiinggit tayo sa mga tao sa paligid natin. Magsumikap na lamang tayo upang umangat sa buhay at makuha ang mga bagay na nais natin. Huwag tayong magkaroon ng crab mentality na dahil naiinggit lamang tayo sa isang tao ay gagawa ng tayo ng paraan para hilahin sila pababa at hadlangan ang kanilang tagumpay. 

Salamat sa pagbabasa. Tandaan, huwag maging maiinggitin. Magsumikap ka nalang para malayo ang iyong marating.

You Might Also Like

0 comments

Twitter Feed