Dok, Bakit May Dugo Kapag Umuubo Ako?
8:08:00 PM
Ang pag-ubo na may kasamang dugo ay maaaring senyales ng iba't ibang sakit sa baga. Maaari ding magkaroon ng iba't ibang kulay tulad ng pula, mapusyaw o kulay kalawang at maaaring may kahalo itong plema. Ang kondisyon na ito ay tinatawag na hemoptysis.
Ang pangunahing sanhi ng pag-ubo na may dugo ay chronic bronchitis at bronchiectasis. Ang ilang mga sakit na maaaring magdulot ng pag-ubo ng may kasamang dugo ay:
- Chronic obstructive pulmonary disease
- Cystic fibrosis
- Nakalanghap ng foreign body
- Pamamaga ng baga
- Lung cancer
- Mitral valve stenosis
- Parasitic infection
- Pulmonary embolism o nagbarang dugo sa ugat sa baga
- Trauma sa dibdib
- Tuberculosis
Kapag umuubo na may kasamang maraming dugo, agad na kumonsulta sa inyong doktor upang malaman ang sanhi nito.
Source: Mayo Clinic
0 comments