Mga Tips sa Pagkain Para Maiwasan ang Heartburn / Acid Reflux
8:21:00 PM
Madalas ka bang nakakaranas ng heart burn o acid reflux? Narito ang ilang simpleng paraan para maiwasan ang sakit na dulot nito.
- Bawasan ang pagkain ng mga acidic na pagkain tulad ng grapefruit, orange, kamatis at suka
- May mga nakakaranas ng heartburn kapag kumakain ng maaanghang na pagkain. Iwasan o bawasan muna ito
- Huwag agad humiga o matulog hanggang tatlong oras pagkatapos kumain. Kapag nakatayo ka o nakaupo, mas bumababa ang pagkain mula sa iyong tiyan at naiiwasan ang acid na magtagal sa iyong tiyan
- Iwasan ang matataba at mamantikang pagkain dahil trigger sila ng heartburn
- Iwasan ang pagkain ng chokolate, mint, citrus, catsup at mustard
- Iwasan o bawasan ang pag-inom ng alak, kape at carbonated drinks
- Huwag biglaan at sobrang dami kung kumain. Hinay hinay lamang sa pagkain
- Huwag kumain ng sobrang bilis. Nguyain ng mabuti ang pagkain
- Huwag nang kumain ng marami ilang oras bago matulog
0 comments